Never nalosyang, AJ… KYLIE, MALA-BARBIE DOLL NANG MAHIWALAY KAY ALJUR
- BULGAR
- Sep 12, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 12, 2023

Nag-viral sa social media ang isang video clip ni Kylie Padilla at nakakuha ito ng 12.8 million views sa loob lang ng isang buwan.
Mistulang Barbie doll si Kylie sa kanyang ipinost na video clip habang kumakanta ng Miley Cyrus song na Angels Like You.
Napanood na kaya ito ni Aljur Abrenica? Ano kaya ang naging reaction niya sa viral video clip ng kanyang estranged wife?
Marami ang nagsasabing blooming ngayon si Kylie at obvious na masaya at inspired ito. Naghiwalay man sila ni Aljur ay hindi siya nagmukhang losyang at hindi pinabayaan ang kanyang sarili.
Kailangan ni Kylie na maging fit upang magkaroon ng career at maitaguyod ang dalawang anak.
Dalawang taon na silang hiwalay ni Aljur at naka-move on siya. Tuloy ang buhay kahit single mom na ngayon si Kylie.





Comments