top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Never na talagang babalik ng 'Pinas, Barbie… DIEGO, NAGHAHANAP NA NG WORK SA TATE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2022
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 08, 2022




Kelan kaya babalik ng Pilipinas si Diego Loyzaga dahil ang daming naghahanap sa kanya para sa TV at movie projects?


Isa kami sa mga napagtanungan kung may ideya kami kung kailan babalik ang aktor dahil may nababagay daw na karakter sa kanya para sa isang pelikula. Sabi namin, magtanong sa Viva dahil ito ang management agency ni Diego.


Base naman sa huling panayam namin kay Diego sa Zoom mediacon ng pelikulang The Wife nila ni Louise delos Reyes ay inamin niyang mas gusto muna niyang manatili sa Amerika at sa katunayan ay naghahanap siya ng matitirhan at kung anong puwedeng maging trabaho roon.


Sa madaling salita, wala pa siyang planong bumalik ng bansa at marahil, mas madali rin para sa kanya na makapag-move on sa hiwalayan nila ni Barbie Imperial kapag bago ang kapaligiran niya.


Sa ganang amin ay sayang ang mga pinapakawalang proyekto ng aktor. Sa hirap ng buhay ngayon dito sa Pilipinas, ang daming hindi nabibigyan ng trabaho, pero siya, maraming inquiries, wala naman dito.


Sabagay, hindi natin alam kung ano rin ang pinagdaraanan ni Diego na kailangan niyang manatili muna sa ibang bansa.


Anyway, mukhang tama naman ang sinabi ni Barbie na maayos silang naghiwalay ng aktor dahil pareho pa rin nilang pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page