Never na raw kakausapin ang ina… MATET, DIRING-DIRI KAY NORA
- BULGAR
- Dec 15, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 15, 2022

Masama pa rin ang loob ni Matet de Leon sa kanyang inang si Nora Aunor dahil nga sa ginawang pagkumpitensiya sa negosyo niyang gourmet tuyo and tinapa.
Ayon kay Matet sa kanyang latest interview sa vlog ni Ogie Diaz, hindi na niya kakausapin ang ina.
“Hindi ko na siya kakausapin, Ogie, hindi na. Kasi parang sa akin, ginawa ko na lahat, eh. Tuwing aawayin siya ng mga tao, tatawagin siyang ‘addict,’ ginaganu’n siya ng mga tao, sakit sa akin nu’n,” pahayag ni Matet.
“Ako ang unang-unang nakikipag-away sa comments,” sey pa niya.
Siya raw ang unang-unang sumusuporta kay Ate Guy kaya hindi niya alam kung bakit daw ito nagawa sa kanya ng ina.
Prangkang sinabi rin ni Matet na ikinadiri niya ang ginawa ni Ate Guy na panggagaya sa kanyang negosyo.
“'Yung akto ang ikinadiri ko. ‘Yung ginawa na ganu’n. Ano’ng punto nu'n? Tapos ang alam ko pa, itinago sa akin because the girlfriend of my brother, she was the one, both of them, dalawa silang nagbuo rin nito, kasama sa nagbuo rin nito,” she said.
Kung napag-usapan lang daw sana nila ito, walang naging problema.
“Kung ano, baka itinigil ko pa ‘yung akin, eh. O kaya, baka sa kanya na lang ako kumuha,” aniya.
Sinabihan nga raw siya ng bunso niyang kapatid na mag-resell na lang siya ng products ng mommy nila. Sey ni Matet, baka nga raw ginawa niya pa ‘yun kung napag-usapan.
“At saka kung nauna ang mommy ko, hindi ko naman gagawin sa mommy ko ‘to. Hindi ko ipinaglalaban ‘yung tuyo ko, hindi ko ipinaglalaban ‘yung tinapa ko, ‘yung respeto na ibinigay namin, sana, ibinabalik din,” hinanakit pa ni Matet.
Sa isang punto ng panayam ay naging emosyonal si Matet nang ikuwento niya na para silang nakabusal na magkakapatid na hindi puwedeng magsalita.
“Wala kaming puwedeng sabihin. Para kaming nakatali. Wala kaming puwedeng gawin, tapos sasampal-sampalin lang kami ng mga tao. Proteksiyon namin kay Mommy ‘yun,” lahad ni Matet.
Ayaw daw nilang masira ang kanilang ina kaya tinitiis nila ang lahat ng panlalait sa kanila ng ibang tao na hindi nakakaalam kung ano ang totoo.
“Ang hirap ng buhay namin. Kilala akong komedyante, kilala akong masayahin, ang ate ko (Lotlot de Leon), kilalang mabait. Ang kuya ko (Ian de Leon), kilala ring nakakatawa. Pero sa totoo, hindi alam ng marami, ang bigat-bigat ng itinatago namin sa loob,” umiiyak na sabi ni Matet.
“Tingnan mo ang nangyari sa akin ngayon. Kahit na mali ‘yung ginawa, ako pa rin ang mali.
Oras na para ipagtanggol ko ang sarili ko at ang mga kapatid ko rin,” sabi pa ni Matet.
Nasabi rin niya na baka dahil ampon sila kaya hindi sila mahal ni Nora.
“Umaasa kami lagi na mamahalin, umaasa kami na sincere lahat,” sey pa niya.
As we all know ay may apat na adopted children si Nora — ang panganay na si Lotlot, si Matet, at sina Kiko and Kenneth, habang si Ian naman ang biological son ng Superstar sa ex-husband na si Christopher de Leon.
Sa ngayon ay wala pang sagot si Ate Guy sa isyu nilang ito ni Matet and knowing her na hindi naman vocal ever since sa kanyang personal na buhay, mukhang hindi na naman siya magsasalita.
Pero sana, once and for all ay klaruhin ito ng Superstar or kahit mag-reach out siya sa anak na masamang-masama ang loob sa kanya.





Comments