Never daw siyang minahal…"GINAMIT LANG AKO NI MEL!" — KRIS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 25, 2022

Matapos manahimik nang ilang araw, may bagong rebelasyon si Kris Aquino tungkol sa paghihiwalay nila ng fiancé na si Mel Senen Sarmiento.
Umamin si Kris na nasaktan siya sa naging pagtrato ni Mel sa anak niyang si Bimby. Ito ay nu'ng kumalat ang ipinost ng isang batikang manunulat na diumano'y nagkabalikan na raw sila ng ex-fiancé.
Ayon kay Kris, hindi sila nagkabalikan ni Mel. Sinabi pa niyang iniwan siya ng ex nu'ng panahong down na down siya dahil sa kanyang karamdaman at ang masakit pa ay sa text lang ito nakipaghiwalay.
Nagdetalye na rin ang Queen of All Media ng shocking revelation nu'ng time na sila pa ni Mel.
Ayon kay Kris, "Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and that Mel never once checked on how my son was taking all of this."
Sinabi rin niyang hindi naman talaga siya minahal at ginamit lang siya ni Mel.
Sambit pa ng Queen of All Media, in-snub daw ni Mel ang Ate Ballsy niya.
Esplika ng TV host-actress, "It spoke volumes to me nu'ng nalaman ko from my ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge, but he actually snubbed my ate."
Ano naman kaya ang masasabi ng ex ni Kris sa mga ibinulgar niyang pagtrato ni Mel sa kanyang anak at kapatid?





Comments