Never daw sinisi ang mga ex sa mga mali niya…PAOLO: KUNG MAY GINAWA KANG MASAMA, MAGPAKALALAKI KA!
- BULGAR
- Mar 23, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 23, 2023

Usapang cheating ang isa sa mga topics nina Paolo Contis at guest niya sa online show niyang Just In na si Kiray Celis.
Naikuwento kasi ni Kiray na may common denominator sila ng boyfriend niyang si Stephan Estopia dahil pareho silang naloko ng kani-kanyang ex.
Nabanggit ni Kiray na madalas, sinisisi ng mga cheaters ang partner kapag may nangyayaring cheating. Kaya, tinanong ni Kiray si Paolo kung ginawa na ba niyang isisi sa kanyang partner ang kanyang pagloloko?
“Ako, to be honest, never akong nanisi sa mga mali ko. Ang sa akin lang, kung may ginawa kang masama, be man enough to admit it,” sagot ni Paolo.
“Iresponsable na nga 'yung ginawa mo, eh... So, say sorry and then try to change for the better,” dagdag ng aktor.
Wala naman sigurong nagtaas ng kilay sa sagot ni Paolo kay Kiray. Pero, siguradong may mga nag-react at gustong mag-react.
Lumabas pala na mahusay mag-host si Paolo sa Just In kaya may mga requests sa GMA-7 na bigyan siya ng late-night show para mas marami pa ang makapanood. Magaling daw magtanong si Paolo at alam ang mga dapat itanong.





Comments