Never daw niyang niloko… ION KAY VICE: I WILL CHOOSE YOU FOREVER!
ni Nitz Miralles - @Bida | June 26, 2022

Kinilig ang mga fans ni Vice Ganda at ng asawa nitong si Ion Perez dahil sa sinabi ng huli sa mga fans ni Vice na nagdududa pa rin sa kanya hanggang ngayon.
Sa post ni Ion na “Don’t worry iha, dahil lumaki akong may takot sa Diyos! Prank nga 'di ko magawa! Ang saktan pa kaya? I love her so much," naging “panatag” ang mga fans ng mag-asawa.
Nadagdagan pa ang kilig ng fans sa convo ng love birds. Sabi kasi ni Ion, “I will choose u forEVER!” na sinagot ni Vice ng “I love you babe ko!!! I will live longer for you and with you!”
Naniwala kay Ion ang mga fans dahil kitang-kita raw nila at napapanood sa It’s Showtime kung paano alagaan ni Ion si Vice.





Comments