Never daw nakipag-usap sa ABS-CBN KAMPO NI JENNYLYN, KUMANTA KUNG BAKIT ‘DI PA NAKAKAPIRMA SA GMA-7
ni Julie Bonifacio @Winner | July 20, 2024

Binigyang-linaw ni Jennylyn Mercado ang kumalat na isyu ng renewal ng contract niya sa GMA-7 sa ginanap na bonggang launch niya as the newest endorser ng Beautederm sa Solaire sa Vertis North last Thursday.
Kaagapay ng kanyang mga manager sa Aguila Entertainment at business partners din ni Jennylyn sa bago nilang kumpanya, ang Brightburn Entertainment, na sina Jan Enriquez and Katrina Aguila ay kinorek nila ang mga naglabasang posts sa social media.
May mga posts kasi na nagsabi na nu’ng nakipag-deal ang mga managers ni Jennylyn sa Star Music ng ABS-CBN, inalok daw nila ang aktres sa dating largest network since malapit nang mag-expire ang contract niya sa GMA-7.
On the other hand, may nag-post na pinalabas lang daw ng kampo ni Jennylyn na inalok siya ng ABS-CBN para sabihin sa Kapuso Network para magtaas ng talent fee.
Wala raw katotohanan ang mga naka-post sa socmed (social media). Hindi raw inalok ng ABS-CBN si Jennylyn.
Sey ni Katrina, “We never offered. They (ABS-CBN) never offered.”
Wala raw reaksiyon ang GMA-7 sa mga lumabas na posts sa socmed regarding Jennylyn’s offer sa ABS-CBN.
“Kasi alam din ng GMA na from the very start, sila lang ang kausap namin. Bago mag-expire ang kontrata n’ya sa GMA, may nagaganap nang usapan,” pahayag ni Jan.
“But honest answer lang, Tita Julie. Uh, kaya nagtagal (ang pirmahan) kasi may nine-negotiate tayo. And like any other negotiations, there are things na dapat nating pag-usapan bago pumirma. Pero, hindi s’ya naging option na lilipat kami.”
Sang-ayon si Jennylyn sa sinabi ni Jan.
“Meron po (alok ang GMA for renewal). Pero siyempre, may mga inaayos lang po,” sabi ni Jennylyn.
Isa raw sa mga pinag-usapan ay tungkol sa bagong production outfit ni Jennylyn na Brightburn kung saan kasama rin ang kanyang mister na si Dennis Trillo.
“Yes, kasama du’n ang Brightburn Entertainment na hiniling namin na sana nga, moving forward, mapayagan kami na makapag-co-prod (co-production). ‘Yung mga simpleng ganu’n lang.
“Hindi naman ‘to parang basta lang renew, magkano TF (talent fee). Maraming ano ‘yan, kumbaga, kasi hindi ito isang taon lang, kung ilang taon ‘yung susunod. Para maalagaan at maprotektahan si Jen,” paliwanag ni Jan.
Dagdag ni Katrina, “May mga requests lang po kami na hinihingi.”
“Very loyal si Jen,” sambit ni Jan.
And speaking of loyalty, may tsika rin na isa sa mga dahilan kaya raw nagdi-dilly-dally si Jennylyn at kampo niya sa pagpirma ng kontrata sa GMA-7 ay dahil tila “napapabayaan” daw ang aktres at mas pina-prioritize ang ibang stars na ‘di homegrown talent na gaya niya.
“Ang hirap naman nu’ng napapabayaan, ‘di natin alam ‘yung konteksto ng salitang napapabayaan. Mahirap ding mag-comment on that as if it is actually happening. Uhm, wala. I mean, wala kaming masyadong comparison,” saad ni Jan.
Sey naman ni Katrina, “Ay, nabasa ko ‘yan. May sinabi rin du’n na naiinggit daw si Jen sa mga bagong artista.
“But we’re talking about Jennylyn Mercado, no bad bone in her body. Wala s’yang kainggit-inggit sa katawan. She’s very, very happy with all the people.”
Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Jennylyn tungkol sa mas nabibigyan ng malaking exposure ang artista sa ABS-CBN kesa sa mga taga-GMA-7.
“Wala akong isyu about that,” pailing-iling na sagot ni Jen.
Dugtong naman ni Katrina, “Saka Tita, alam n’yo naman na sa lahat ng mga artistang nahawakan namin, Jen is the most sincere, the kindest and the most. So, du’n pa lang, alam n’yo na.”
Definitely, hindi rin daw napi-feel ni Jennylyn na napapabayaan siya ng kanyang mother network.
Depensa ni Jennylyn, “Siyempre, sa ngayon, bagong mommy din ako and kakatapos lang din nitong first quarter ng soap. Gumawa rin ako ng pelikula after nu’ng soap.
“So ngayon, sabi ko, hindi naman masamang mag-break lang sandali para alagaan ang mga anak ko, lalo na si Dylan ay two years old pa lang.
“‘Di ko kasi na-experience ‘to sa first born ko, si Jazz (anak niya kay Patrick Garcia). ‘Di ko siya naalagaan kasi iniiwan ko siya palagi dahil may work ako dahil single mom.
“So, ngayon, parang puwede namang mag-relax kahit konti. Tapos, ‘pag ready na ulit, ‘yun.”
Nu’ng huli naming interbyu kay Dennis ay inilarawan niya si Jennylyn not only as a hands-on mom, kundi pati na as a wife.
“Dapat ganu’n,” diin ni Jennylyn. “Pinagsisilbihan mo pa rin sila. Hindi naman porke’t mag-asawa na kayo pababayaan n’yo na ang isa’t isa, kailangan alagaan pa rin ang isa’t isa.”
Sa huli ay tinanong namin si Jen kung may balak pa silang magpakasal sa simbahan ni Dennis.
“Wala pa po,” tugon ni Jennylyn. “Siguro po ‘pag 10th year na namin, ganyan. Puwedeng i-renew ang vows namin.”
Sure na sure na raw na isa sa mga ninang sa kasal ay ang owner and CEO ng Beautederm na si Rei Anicoche-Tan. For this half-a-year alone, naka-ilang kasal na ang dinaluhan ni Ms. Rei bilang ninang. Certified “ninang ng bayan” talaga si Ms. Rei. Kasi ‘di lang dahil sa mga celebrities siya laging nakasuporta kundi maging sa relatives, employees and staff. We found out na scholars ni Ms. Rei ang mga anak ng mga empleyado niya, huh?
Going back to Jennylyn, very heart-warming and fabulous ang pag-welcome ni Ms. Rei sa aktres bilang Beautederm celebrity endorser.
Sa venue pa lang, ang Solaire Hotel & Casino sa Vertis North, ang lakas maka-yayamanin. Napaka-class at elegante.
At sa loob ng ballroom, not one, not two but four na naglalakihang LED screen ang nakapalibot, kaya captured na captured every moment sa pag-welcome kay Jennylyn ng Beautederm.
At pagdating sa program, super maayos at may pa-surprise pa na song numbers, especially ang impromptu duet nina Ms. Rei and Jennylyn.
In fairness, pasadung-pasado ang boses ni Ms. Rei, ha? Hindi nagpakabog kay Jennylyn na singer talaga.
Si Jennylyn ang endorser ng Beautederm Cristaux serums na lakas makaganda at mag-alaga sa mukha ng mga kababaihan. Matagal na palang kinukuha ni Ms. Rei si Jennylyn for Beautederm.
Nag-wait naman si Ms. Rei Anicoche-Tan dahil valid ang reasons na ibinigay ni Jennylyn Mercado at kampo niya bago siya tuluyang pumirma ng kontrata sa Beautederm.
Winner!





Comments