Never daw may nag-alok ng kasal… ALMA, TUWANG-TUWA NA BINIGYAN NG 4.5 KARAT NA SINGSING NG NEGOSYANTE
- BULGAR
- Feb 12, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 12, 2024

Hindi man kumpletong nakarating ang mga anak-anakang endorsers ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa first anniversary celebration ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga last Saturday kasabay ng celebration ng Chinese New Year, super-happy pa rin ang mabait at generous na negosyante.
All the way from Manila kasi ay pumunta pa sa Pampanga sina Sam Milby, Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, San Juan Councilor Ervic Vijandre, ang controversial na si Gillian Vicencio kasama ang BFF niyang si DJ Jhai Ho, Patricia Tumulak, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Kimson Tan, mag-asawang Alex Castro at Sunshine Garcia, Darla Sauler at ilan pang local endorsers ng Beautederm sa Pampanga.
Kaya naman tuwang-tuwa si Ms. Rei dahil hindi nakakalimot ang kanyang mga anak-anakan tuwing may mga ganitong events.
At sa sobrang tuwa ng Beautederm CEO, bukod sa pa-raffle na tradisyon na niya sa kanyang mga media launches, ibinigay pa nito ang kanyang 4.5 carat diamond ring sa kanyang pinakauna at pinaka-loyal na endorser na si Ms. Alma Concepcion.
Mangiyak-ngiyak nga ang former beauty queen nang isuot sa daliri niya ni Ma'm Rei ang ipinasa sa kanyang diamond ring nito at nag-dialogue pang never na may nag-propose sa kanya ng kasal kaya ngayon lang siya magkakaroon ng ganitong singsing.
Kunsabagay, well-deserved naman ni Alma ang ring dahil bukod sa loyal siya kay Ma'm Rei mula nang mag-umpisa ito sa kanyang negosyong Beautederm 15 yrs. ago, naging mag-BFF din sila at never niya talagang iniwan si Ma'm Rei.
'Katuwa rin ang kuwento ni Alma na na-fully-paid na niya ang puwestong pinagtayuan niya ng kanyang Beautederm franchised store dahil lang sa pagbebenta ng mga pampagandang produkto ni Ma'm Rei Tan.
So, isa siyang buhay na patunay na sa Beautederm, "Gaganda ang buhay mo!"
Talbog!
Na-interview naman namin ang magaling na drama actor na si Carlo Aquino sa naturang Beautederm Headquarters first anniv celebration at napansin naming bagama't pumayat si Carlo, super happy naman ng aura niya na hindi niya itinanggi kung bakit.
Aminado si Carlo na super in love siya ngayon sa girlfriend na si Charlie Dizon at diretso na nga rin niyang sinabi na ito na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

When asked kung ano'ng nakita niyang qualities ni Charlie para ito na ang masabing "the one", sabi ng magaling na aktor, ang pagiging "palaban" nito ang talagang na-appreciate niya sa GF, bukod sa magaan daw itong kasama at walang mga drama sa buhay.
Kaya naman anytime raw ay handa na talagang magpakasal si Carlo, although hindi pa pala totoong binigyan na niya ng engagement ring ang GF. Wala pang proposal na naganap at itinanggi ng aktor na sa kanya galing ang suot na singsing ni Charlie.
Isa pang sinabi ni Carlo, napakaraming nagbago sa buhay niya dahil kay Charlie at natuto raw siyang mas maging responsible dahil sa mga ipinapayo nito.
Tanggap na ng kanyang mga magulang ang relasyon nila at kahit nga ang pagpapakasal ay mukhang hinihintay na lang ng mga ito na si Carlo na ang magsabing game na siya.
Pero sa pagkakaroon ng panibagong baby kay Charlie bago ang kasal, na magiging kapatid ni Mithi na unang anak ng aktor sa ex-live-in partner niyang si Trina Candaza, ani Carlo ay hindi pa niya masabi sa ngayon dahil wala ito sa priorities niya.
Actually, career pa rin daw ang priority ni Carlo this 2024 kung saan may gagawin pala uli silang movie ni Julia Barretto at magiging 2nd team-up na nila ito after Expensive Candy. Bukod dito, may gagawin din silang movie ng GF niyang si Charlie Dizon under Blacksheep Productions naman.
Kaya loaded pa rin ang 2024 ni Carlo at kung kelan magaganap ang kasal, abang-abang na lang!
Basta ang isang sure d'yan, ninang si Ms. Rhea Tan kapag nagpakasal na si Carlo dahil isa ang aktor sa mga anak-anakan ng Beautederm CEO.
留言