top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Never daw makakalimutan… TONI, KUMAIN NG BUHAY NA HIPON SA TAKOT KAY JOEY

Writer: BULGAR
BULGAR
53 minutes ago
3 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 13, 2026



Joey De Leon at Toni Gonzaga sa Eat Bulaga - YT

Photo: Joey De Leon at Toni Gonzaga sa Eat Bulaga - YT



Naiyak ang veteran TV host-comedian na si Joey De Leon nang sorpresahin siya ni Toni Gonzaga sa birthday celebration niya sa Eat Bulaga! (EB) noong Sabado, October 10.

Isa nga si Toni sa mga special guests sa naturang episode ng longest-running noontime show para sa 80th birthday ni Boss Joey, na sa October 14 pa talaga ang kaarawan.


Bukod kasi sa birthday message, personal na binati at inawitan ni Toni si Boss Joey kaya napaiyak siya.


Ayon naman kay Henyo Master, napaluha siya dahil naalala niyang siya ang unang umaway kay Toni nang umalis ito sa EB!.


Sabi naman ni Toni, “Love na namin ang isa’t isa forever.”


Nagbahagi rin siya sa mga Dabarkads ng ilang hindi niya malilimutang karanasan tungkol kay Boss Joey.


“Feeling ko, ‘pag ‘di ko kinain ‘yung buhay na hipon, magagalit s’ya sa ‘kin tapos baka matanggal na ako sa Eat… Bulaga!” pag-amin niya.


“So, napakain n’ya ako ng buhay na hipon dahil sa takot ko sa kanya nu’ng 19 years old ako,” natatawang pahayag pa ng aktres-host.


Nagbigay naman ng video message si Mel Tiangco, na nakasama niya sa talk show na Mel & Joey.


Say ni Tita Mel, “For so many Filipinos, you’re more than a comedian or an entertainer. You became a part of our everyday lives, including me.


“Sino ba ang makakalimot sa mga experience na ibinigay mo sa ‘kin habang ginagawa natin ang Mel & Joey for 7 years!”


“Bakit parati mo akong binubulaga? Bakit parati mo akong ginugulat?

“Gusto mo lang pala akong marinig na magmura dahil ‘di ka naniniwala na ‘di ako marunong, pero bigo ka. ‘Di mo nagawa ‘yung gusto mo,” saad pa ng Kapuso news anchor.


Pagbubuko pa ni Tita Mel, “Eh, ano pa kaya kung pag-uusapan natin ‘yung Joey de Leon na pilyo? Aba, may experience rin ako r’yan.


“Remember sa Australia? Nag-shoot tayo doon ng Mel & Joey, ipinatawag mo ako, ‘Tita, tita. Tinatawag ka ni Tito Joey, pumunta ka raw du’n. Importante raw!’


“Nagpunta naman ako, akala ko kung ano ‘yun. Aba, hamakin ninyo kung ano’ng dinatnan ko ru’n sa tindahan kung saan ako pinapunta ni Joey De Leon?


“Ang sabi sa tindahan, adult shop! Ay, Diyos ko po, aatakehin ako sa puso!” 

Aminado naman si Michael V. (dating co-host ng EB!) na napakalaki ng impluwensiya sa kanya ni Boss Joey.


“First of all, ikaw ang nag-impluwensiya sa ‘kin na magsuot ng tinted eyewear. Hindi lang ‘yun, ikaw din ang nag-impluwensiya sa ‘kin na magsuot ng magandang headwear.


“Pero mga physical appearance lang ‘yan. Ang mga itinuro mo sa ‘kin, eh, mas malalim pa.

“Kung maaalala ng marami, ikaw ang nagturo sa akin ng T.I.T.E. (Trabaho, Ipon, Travel, and Enjoy). At ‘yang mantra na ‘yan, hanggang ngayon, ina-adapt ko pa rin sa buhay namin ng pamilya ko,” pahayag pa ni Bitoy.


Bumati rin siyempre kay Joey si Ian Veneracion, na gumanap bilang anak ng comedian sa sitcom na Joey & Son, na umere noong 1982 sa RPN-9. Kinantahan pa niya ang kanyang tatay-tatayan at emosyonal ding binalikan ang happy and memorable moments noong bata pa siya.


Nag-video message rin ang kanyang inaanak na si Rochelle Pangilinan, na labis-labis ang pasasalamat, lalo na sa pagbibigay sa kanila ng pangalang Sexbomb Girls.

Bumati at nag-perform din sa birthday celebration ng beteranong TV host ang iba pang SexBomb Girls at si Janno Gibbs.


At siyempre, kinantahan din siya nina Tito Sen at Bossing Vic, at umapir din si Jimmy Santos.


Sa panghuling sorpresa, hindi rin pinalampas ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakataong batiin ang kanyang Tito Joey, na naging co-host niya noon sa The Sharon Cuneta Show, kahit madaling-araw na siyang nakauwi mula sa last taping ng Honor Thy Mother.


At alam naman ng lahat na mahal na mahal niya ito. Kinanta niya ang classic song na Kahit Maputi na ang Buhok Ko.


Nakapag-promote pa si Sharon ng kanyang The Mega Experience sa California, USA, this November, kung saan special guest niya sa three-night concert si Bugoy Drilon.

Anyway, inamin ng host na isa ito sa pinaka-memorable na birthday celebration niya sa EB!


Happy 80th birthday, Boss Joey!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page