ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 17, 2024
Sa Jennylyn Mercado na mismo ang kumumpirma na mananatili siyang Kapuso at hindi totoong lilipat siya sa ABS-CBN o sa ibang network.
Nilinaw ng Kapuso Ultimate Star ang issue sa kanyang engrandeng launching-contract signing bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm na ginanap kahapon sa Solaire Hotel, Quezon City.
“Ang daming nag-aantay ng sagot na ‘Lilipat ba?’ ganyan. Ako naman po, eh, twenty years na po akong Kapuso and I’m very thankful na hanggang ngayon po, eh, ako po’y Kapuso pa rin,” aniya.
Hinihintay na lang daw nila ang kanyang kontrata na hopefully ay ma-finalize na.
“Mayroon pong mga nine-nego (negotiate), pero mabilis na lang po ‘yan. We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin ako na maging Kapuso basta gusto pa rin nila 'ko, ‘di ba?” dagdag niya.
Nilinaw din ni Jen na wala talagang naging offer sa kanya from other networks.
When asked kung freelancer siya ngayon, sagot niya, “Yes po.”
Naitanong nga rin sa aktres ang tungkol naman sa pagkaka-hack ng TikTok account ng mister niyang si Dennis Trillo.
“Nasa pictorial ako ng Beautederm nu’n. Sabi ko, 'Ano’ng nangyari?' ‘Yung management ko ang nagsabi sa ‘kin. Sabi ko, imposibleng mangyari ‘yan. Sabi ko, hindi si Dennis ‘yan, ‘di siya ganu’n. Sa tagal naming magkasama, sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, hindi s’ya ganu’n,” pagtatanggol ni Jen sa hubby.
“Ang advice ko na lang sa kanya, ‘Hirapan mo nga ‘yung password mo!’” natatawa niyang dagdag.
Samantala, two years ago pa pala kinukuha si Jennylyn ng Beautederm para maging endorser. Pero nagkataong nabuntis ang aktres sa first baby nila ni Dennis, kaya na-delay ito.
Kaya naman masayang-masaya si Jen at ang CEO na si Miss Rei Anicoche Tan na finally ay natuloy na ang kanilang pagsasama.
Si Jennylyn ang official ambassador ng newest facial care ng Beautederm na Threemendous TRIO serums — the Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty, and Cristaux Retinol.
Ipinalit kay Ivana…
KIM, PANG-HOLLYWOOD DAW ANG ACTING SA SERYE NI COCO
MAS titindi pa ang mga maaaksiyong bakbakan sa FPJ’s Batang Quiapo matapos purihin ng mga manonood ang salpukan ni Coco Martin sa bagong pasok na karakter ni Kim Domingo.
Pasabog agad ang maangas na karakter ni Kim bilang si Madonna dahil hinamon niya ng makapigil-hiningang bakbakan si Tanggol (Coco).
Bagama’t hindi pa klaro kung bagong kalaban o kasangga si Madonna, dapat abangan kung anu-anong mga pagsubok ang dadalhin niya sa pagpasok sa buhay ni Tanggol.
Sa pagpapatuloy ng FPJ’s Batang Quiapo, muling magkukrus ang landas nina Tanggol at Madonna na aabot sa tutukan ng baril. Pero isa lang iyon sa mga balakid na haharapin ni Tanggol dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatakdang magtipun-tipon ang buong puwersa ng kanyang mga kalaban sa pagbisita nila sa burol ni Pablo
Caballero.
Pinuri naman ng mga netizens ang mala-Hollywood fight scenes ni Kim at excited na rin sila sa susunod pang mga maaaksiyong engkuwentro nina Madonna at Tanggol.
“Parang pang-Hollywood ‘yung aura, plus ‘yung acting skills n’ya. Kahit facial expressions pa lang, dama mo na ‘yung angas,” komento ng TikTok user na si @meandMYMATCHA.
“Parang si Kim Domingo ay si Angelina Jolie sa dating at aksiyunan,” post naman ng netizen na si Cristina Chua.
Napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment.
Comments