top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Never daw gaganti sa mga banat ni Moira…"SI GOD NA ANG BAHALA SA KANYA" — JASON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 21, 2023
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 21, 2023



Maingay ngayon ang pangalan ng estranged husband ni Moira Dela Torre na si Jason Hernandez matapos magpahayag na nasa proseso pa rin umano siya ng moving on.


Matatandaang May, 2022 kinumpirma ni Jason via a social media post na nagloko siya kay Moira at parte ng kanyang pahayag ang pag-aming "(I've been) unfaithful to her during our marriage."


Sa ngayon umano, emotionally okay na si Jason kahit na nu'ng una ay masakit sa kanya ang nangyari. Magpo-focus na rin daw siya sa family, business at friends.


Ayon sa singer-songwriter sa komento ng mga netizens na "patama" song umano ni Moira ang mga huling kanta nito, "Honestly, ako po kasi, tinatanggap ko na lang siya kasi nagkamali naman talaga ako... May mga details lang na iba, pero okay lang 'yun. Ganu'n kasi ako, eh. Never n'yo akong maririnig na gaganti ako."


Dagdag niya pa, "Naniniwala kasi [ako] na si God na ang bahala sa kanya. Siya na 'yung mag-aano... I really don't need to defend."


Kung ang singer-songwriter ay tila nasa moving on process na, tila hindi pa rin maka-get over ang mga fans at inulan na naman ng backlash si Jason sa emosyonal na pananakit umano nito kay Moira.


Komento ng isang fan, "Malamang ikaw 'yung nanakit kaya okay ka. LOL!"


"Amaccana! Pa- victim ka pa d'yan!" sey ng isa pa.


Opinyon naman ng iba, "Luh, lakas maka-gaslight, this is so hilarious!"


Dagdag ng another Moira fan, "Sad boy yarn."


Samantala, kasalukuyan namang pinagtutuunan ni Moira ang kanyang sarili at health journey.


Saad nga ni Moira sa nakaraang panayam sa kanya, "I don't remember feeling this happy and healthier in my life!"


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page