top of page

Network daw ang bayad sa interview kay Discaya… “WALA AKONG TINANGGAP” — KORINA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 25, 2025



Korina Sanchez-Roxas - IG

Photo: Korina Sanchez-Roxas - IG



Tuloy ang iringan sa pagitan ni Pasig Mayor Vico Sotto at ni Korina Sanchez dahil sa interbyu ng newscaster sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya. 


Si Sarah ay tumakbo bilang mayor ng Pasig noong nakaraang eleksiyon.

Well, may mensahe si Korina kay Mayor Vico bilang sagot sa comment ng isang netizen sa Instagram (IG) post niya kahapon.


Nag-post si Korina sa IG ng larawan habang iniinterbyu niya ang isang lalaking nagbebenta ng kakanin na nakapatong sa kanyang ulo sa Taguig City.


Caption niya: “Meet Mark of Taguig. Naglalako s’ya ng kakanin araw-araw, nakabalanse sa ulo habang nagbibisikleta. Ulila sa ama, maysakit ang nanay. Kailangan n’yang kumita kaya tumigil sa pag-aaral. Paano n’ya ito kinakaya? Buhay na bayani. Ang Balansyadong Tindero, watch his story on Rated Korina, Sunday, 6 PM on A2Z and TV5!”


Pinuri ng netizen si Korina sa kanyang interbyu, “‘Yan ang legit na masipag at inspiring ibalita unlike ‘yung bilyonaryong contractors na kumuha ng pera ng bayan.”


Hindi pinalampas ni Korina ang comment at nag-reply, “When we interviewed the contractor, no one, not even Mayor Vico, knew about it. If he did, why didn’t he say anything?”

Post pa ng ibang netizens, “‘Yan! Ganyan dapat! Mga inspiring ang ipini-feature. Hindi ‘yung mga walang kuwentang iniinterbyu.”


Pero may nagtanong kung magkano raw ang ibinayad ng kampo ni Sarah sa network, “Ma’am, you said your first post money went to network with receipt… so how much is this you are saying? Can you disclose?”


Sagot ni Korina, “I have no knowledge of that. Basta ako, walang tinanggap.”

Dagdag pa niya, “Btw (by the way), I did not post that nor did I write it.”

So, there.



INAAKUSAHAN pa rin si Arci Muñoz ng ilang online trolls, pati na ng iba sa entertainment industry, na ‘lakwatsera’ siya. 


Pero bakit nga ba panay ang labas niya at punta sa iba’t ibang bansa?

Ang buong akala nila ay ‘trip-trip lang,’ pero ngayon, inihahayag ng NDM Studios ang Arci’s Mundo (AM), isang travel at lifestyle series na magbibigay-linaw kung bakit panay ang biyahe ng aktres.


Inspired ng mga kilalang travel shows, nagsimula ang ideya habang nasa Vietnam si Arci kasama si Direk Nijel de Mesa para sa birthday ng line producer na si Ms. Jan Christine ng NDM Studios.


Sa isang kaswal na usapan, ipinahayag ni Arci ang paghanga niya kay Anthony Bourdain at kung paano siya na-inspire nito. Gusto raw niyang gumawa ng sariling version ng travel and food show pero kasama ang kanyang kalog na mommy, si Yolly Muñoz.


“Gusto kong gumawa ng sarili kong version nu’ng travel and food show, pero ito, kasama ang ina ko na pinakamahalaga sa akin… na aking mundo! Doon pumasok ang ideya,” sabi ni Arci. 


“Agad naisip ni Direk Nijel na gawin na namin. Sabi n’ya, ang title dapat Arci’s Mundo… kasi Mama ko ang mundo ko, tapos katunog pa ng Muñoz. At sabi pa ni Direk, may sarili akong mundo madalas,” tawang sabi ni Arci.


Dahil dito, naging flagship travel and lifestyle series ng NDM Originals ang AM

Ang unang limang episodes ay kinunan sa Vietnam, Cambodia, Malaysia, Indonesia at Japan.


Ang editing ay pinagtulungan ng creative team nina Julia Chua at Therese Padua, sa pamamahala ni Direk Nijel.


“Sobrang nakakatawa kung paano ako napapatawa ng nakakatawang pag-aaway nina Arci at Mommy Yolly tungkol sa mga pinakasimpleng bagay,” sabi ni Direk Nijel. 

Aniya pa, “Pero nakakatuwang makita kung paano nila agad natatapos ang mga argumento at nagkakaayos. Kakaiba ang dynamic nila bilang mag-ina.”


Inaasahan ng production na makapaghahatid sila ng kakaibang palabas tungkol sa paglalakbay, hindi lang sa mga lugar na matutuklasan, kundi pati na rin sa tapat na samahan ng ina at anak, na siyang tunay na kahulugan ng paglalakbay para kay Arci.


Patunay ito na nananatiling kilala ang NDM Studios bilang production house na gumagawa ng makabuluhang programa para sa mas malawak na audience.

Ang Arci’s Mundo ay bahagi ng kanilang travel at lifestyle content dahil nais nilang makasama ang mas nakararami sa kanilang mga biyahe at matutuklasan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page