top of page

Hirit ni Toni, best year ngayong 2026… ALEX, OBYUS NA BUNTIS NA ULI, TODO-INGAT GUMALAW NU’NG B-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 19, 2026



Alex Gonzaga - FB

Photo: Alex Gonzaga - FB



Iisa ang espekulasyon ngayon ng mga netizens sa nai-upload na video ni Alex Gonzaga sa Facebook nu’ng kanyang 38th birthday celebration kasama ang asawang si Lipa, Batangas Vice-Mayor Mikee Morada — buntis na uli ang TV host-actress-vlogger.


Kapansin-pansin nga kasi ang kakaibang galaw ni Alex habang umiihip ng candle sa kanyang birthday cake at bahagyang napasayaw pagkatapos. Halatang ingat na ingat siya sa paggalaw gayung nakilala ng lahat si Alex na magaslaw at parang bulateng inasnan lalo na ‘pag nasa harap ng camera.


May mga nakahalata ring medyo malaki ang tiyan ni Alex ngayon. At tila hint din daw sa pagbubuntis niya ang pagbati ng kanyang Ate Toni Gonzaga, kung saan ang caption nito sa FB post ng mga photos nilang dalawa ay: “Happy birthday to my eldest @cathygonzaga. This will be your best year yet!!!”


Of course, kung true ngang buntis na uli si Alex, hindi lang si Mikee at ang kanyang pamilya ang magiging super happy kundi pati ang lahat ng kaibigan at fans na nagmamahal sa kanya.


Kaya, our dear Alex, hinay-hinay muna at tama na muna ang kulit, okidok?



Nakipag-selfie pa…

HEART, NAMIGAY NG AYUDA SA MGA PASYENTE SA NKTI



KUNG akala ng marami na nananahimik si Heart Evangelista sa gitna ng mga pamba-bash sa kanya, may makabuluhan palang ganap ngayon ang sikat na aktres-fashion icon.   


Sa pagsisimula ng 2026, dumalaw si Heart sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Pediatric Ward nu’ng Martes, Enero 13, bilang bahagi ng kanyang patuloy na adbokasiya para sa kalusugan at kapakanan ng kabataang may malulubhang karamdaman.


Ang nasabing okasyon ay nagdala ng saya, ginhawa at pag-asa sa mga batang pasyente at kanilang mga pamilya.

Namahagi si Heart ng mga hygiene kits, grocery items, at mga unan sa mga pasyente, kasama na rin ang kiddie meals mula sa McDonald’s para sa buong ward. 





Ang simpleng handog ay nagbigay ng pahinga at aliw sa mga batang matagal nang nasa ospital at sumasailalim sa masusing gamutan.


Nasa 32 pasyente ang nakatanggap ng tulong (laboratoryo, hospital bills at mga gamot), kabilang na ang seven-month-old baby na may pneumonia, isang 8-year-old na matagumpay ang liver transplant, hanggang sa mga kabataang 18 taong gulang na may chronic kidney disease. Kabilang din sa mga kondisyon na ginagamot sa ward ang nephrotic syndrome, lupus nephritis, asthma, bronchitis, at iba pang komplikasyon sa bato.


Ibinahagi ni Heart ang kahalagahan ng pagkalinga sa mga batang patuloy na lumalaban para sa kanilang kalusugan. 


“Ang bawat bata rito ay may tapang na hindi matutumbasan. Dumalaw tayo sa kanila upang maipadama sa mga kabataang ito at sa kanilang mga magulang na hindi sila nag-iisa,” aniya.


Naging makabuluhan ang pagbisita ni Heart hindi lang dahil sa mga regalong natanggap ng mga bata, kundi dahil sa presence niyang naghatid ng inspirasyon at emosyonal na suporta lalo na nang makipag-selfie siya sa ilang pasyente.

Sa pagtatapos ng programa, nag-iwan si Heart ng mensahe ng pag-asa na sa gitna ng laban, may komunidad na handang umalalay at magmahal. 



TALENT manager na rin pala ngayon ang founder at chairman ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) na si Doc Mike Aragon.


Through a Zoom meeting, ipinakilala sa amin ni Doc Mike ang bagong all-girls sing and dance group na imina-manage niya, ang Parfum 3 na binubuo nina Duna Duncan, Harah Zaina Reyes at Queen Chrisnna.


Binuo ni Doc Mike ang grupo upang magsilbing youth ambassadors ng Knights of Rizal (KOR) para sa Children’s First 1000 Days of Life advocacy ng KSMBPI na nagpapakita ng kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa bansa.


Maraming plano si Doc Mike sa Parfum 3 na aniya, bukod sa igagawa nila ng kantang may nationalistic advocacy pa rin, bibida rin sina Duna, Zai at Queen sa micro film series titled Scents of 3 na mapapanood soon sa Viva Movie Box.


Layunin ni Doc Mike at ng KSMBPI na ang Parfum 3 ang maging boses ng kabataan at sa pamamagitan nila, maipaabot ng grupo sa kasalukuyang henerasyon ang kanilang mga gustong gawing pagbabago at tulong sa ating bansa.


Kung matatandaan, nu’ng mga nakaraang taon ay umingay na ang KSMBPI nang sampahan nila ng kaso ang ilang Vivamax stars tulad nina AJ Raval, Angeli Khang, Ayanna Misola, social media influencer na si Toni Fowler, at maging ang mga It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa umano’y mga ginawang kalaswaan sa social media at free TV na napapanood ng mga bata.


Ayon kay Doc Mike, matagal na silang nakapag-usap ng Viva kaya nga nagkaayos na sila at naging business partners pa ngayon, kaya sa Viva Movie Box na rin ipapalabas ang advocacy series na Scents of 3.


Maging ang kasong isinampa nila laban kina Toni Fowler, Vice Ganda at Ion Perez ay naayos na rin daw, ayon kay Doc Mike at nagkapaliwanagan na sila. 


Kaya ikinatutuwa naman daw niya na dahil sa nangyari, mas naging maingat at responsable na ngayon sina Vice at Ion at tumigil na ang diumano’y paglalandian ng couple on national TV.


Samantala, may gaganapin ding pre-Valentine dinner benefit concert ang KSMBPI titled Alay sa Mag-Nanay sa Feb. 7 kung saan guests ang THE RAINMAKERS, si Ms. Allison Gonzales, Knights of Rizal (KOR) Exec. Director Atty. Isagani Lisaca, ang Parfum 3 J-Pop group at si former Senator Joey Lina. 


Ang proceeds ay mapupunta sa advocacy project ng grupo na mapainom ng gatas ang mga nagpapasusong ina para maging malusog ang kanilang mga sanggol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page