top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Nets, naka-9 nang panalo, Durant, may 26,516 puntos na

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 28, 2022



Siyam na ang sunod-sunod na panalo ng Brooklyn Nets at idinagdag ang Cleveland Cavaliers sa listahan, 125-117, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Rocket Mortgage FieldHouse. Nilampasan ng Nets ang Cavs para sa pangatlo sa Eastern Conference kasabay ng pag-akyat ni Kevin Durant sa ika-15 na may pinakamaraming puntos sa kasaysayan ng liga na 26, 516.


Kinailangan ni Durant ng 13 puntos upang lampasan ang alamat na si Tim Duncan na may 26,496 puntos. Pinantayan niya ang marka sa pagwakas ng first quarter at hinintay ang huling 5 minuto ng 2nd quarter bago makuha ang bagong karangalan at lamang ang Nets, 42-35.


Nagtapos na parehong may 32 puntos sina Durant at Kyrie Irving para angatin ang Brooklyn sa 22-12 habang bumaba ang Cleveland sa 22-13. Kung hindi liliban at hindi bababa ang puntos ni Durant sa nalalabi nilang 48 laro, maaari siyang pumasok sa Top 10 at higitan ang iba pang alamat na sina Dominique Wilkins (26,668), Oscar Robertson (26,710), Hakeem Olajuwon (26,946), Elvin Hayes (27,313) at Moses Malone (27,409).


Sa ibang laro, nakamit ng kulelat ng Western Conference Houston Rockets ang 133-118 panalo sa Chicago Bulls para sa kanilang ika-10 panalo laban at pinutol ang limang sunod-sunod na talo. Uminit para sa 15 ng kanyang 36 puntos sa 4th quarter si Kevin Porter Jr. at sinuportahan nina Alperen Sengun na may 25 puntos at 11 rebound at kabayan Jalen Green na may 24 puntos mula sa anim na tres.


Binitin ng San Antonio Spurs ang huling hirit ng Utah Jazz, 126-122, matapos sayangin ang 90-70 lamang sa 3rd quarter. Namuno sa Spurs si Devin Vassell na ipinasok ang pito ng kanyang 24 puntos sa 4th quarter.


Gumawa ng 7 puntos si Paul George sa overtime upang magtagumpay ang Los Angeles Clippers sa Detroit Pistons, 142-131. Lumapit ang New Orleans Pelicans sa liderato ng West sa 113-93 pagwagi sa Indiana Pacers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page