Nets at Jazz, mga petmalu; Fil-Am Martin handa sa NBA
ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 10, 2021

Binura ng bisitang Brooklyn Nets ang 21 puntos na lamang ng Denver Nuggets upang maitakas ang 125-119 panalo kahapon sa Ball Arena. Nagtiyaga ang Nets (44-24) hanggang mabawi ang lamang sa huling anim na minuto, 111-110, at hindi na nila binitawan ito at pansamantalang bumalik sa solong pangalawang puwesto sa Eastern Conference.
Lamang ang Nuggets sa second quarter, 66-45, subalit hindi natinag ang Nets at biglang lumamig ang Denver. Nagtapos si Kevin Durant na may 33 puntos at 11 rebound at sinundan ni Kyrie Irving na may 31 puntos.
Talagang binubuhat ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson ang numero unong Utah Jazz at dinurog nila ang kulelat na Houston Rockets, 124-116. Namuno sa Jazz si Georges Niang na may 24 puntos at sinundan ni Clarkson na may 21 bilang reserba at maging unang koponan na umabot sa 50 panalo ngayong taon.
Madaling tinapos ng Philadelphia 76ers ang gabi ng kulelat na Detroit Pistons, 118-104, para sa kanilang ika-8 sunod at lalong lumapit sa inaasam na magtapos sa numero uno sa East. Nanguna para sa 76ers (47-21) si Joel Embiid na may 29 puntos at rookie Tyrese Maxey na may 22 puntos.
Samantala, mismong si Filipino-American Remy Martin ang kumumpirma na sasabak ito sa 2021 NBA Draft upang tuparin ang pangarap na makapaglaro sa NBA. Gamit ang social media, idineklara ni Martin ang kanyang desisyon na lumahok sa 2021 NBA draft sa layuning makapaglaro sa NBA. “Guys, I just want to let you guys know that I am extremely grateful for the four years that you guys have been supporting me. I just want to let you guys know that I will be pursuing my NBA dreams,” ayon kay Martin. Si Martin ay nagtala ng impresibong averages na 19.1 points, 3.7 assists, 2.8 rebounds at 1.2 steals kada-laro sa kanyang final year sa Sun Devils kung saan ginawaran pa ito ng Bill Kajikawa Award.
Nagpasalamat si Martin sa pamunuan ng Arizona State pati na ang kanyang mga coaches at teammates dahil sa paggabay sa kanya sa loob ng apat na taon.





Comments