Netizens, todo-react sa bago niyang GF… EDU: TAMA NA SA LOVE LIFE KO. NASAAN ANG PERA NG BAYAN? WALA PANG NAKUKULONG
- BULGAR

- Mar 17
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 17, 2026

Photo: Edu Manzano - Instagram
May pa-statement si Edu Manzano sa relasyon nila ni Ann Cuisia.
Nang tanungin ng isang kaibigan kung sino ang ipinakilalang “Ann”, sagot ni Edu, “She’s my life partner.”
May kasunod pang kindat ang statement na ‘yun at isang masiglang ngiti.
Isinama ni Edu si Ann sa intimate dinner hosted by Admiral Hotel at doon ipinakilala ang girlfriend sa mga kaibigan at relatives niya.
Ang comment nga ng mga netizens, nag-meet the Manzano cousins na raw si Ann dahil present sa intimate dinner ang mga cousins ni Edu na sina Tingting Cojuangco at Raul Manzano.
Ang ganda ng description ng friend ni Edu na si Rica de Jesus kay Ann. Sabi nito, “Edu Manzano and his latest partner Ann.”
Kaya tama ang sagot ni Edu na, “She’s my life partner.”
‘Kaaliw lang ang mga comments kay Edu na may halong biro gaya ng pang-ilang life partner na raw nito si Ann. May nagsabi pa na playboy pala si Edu dahil iba na naman ang GF.
May nagbiro pa na sobra na siya sa quota at may nakapansin na magkahawig sila ni Ann. Ibig sabihin daw, si Ann na ang forever life partner niya.
Marami naman ang hindi updated sa love life ni Edu dahil hindi nila alam na matagal nang break ang aktor at si Cherry Pie Picache, kaya nagulat nang malamang si Ann Cuisia na ang life partner ni Edu.
Medyo nahihiya pa si Ann meeting Edu’s friends and relatives, pero sweet sila. May nakita kaming photo nila na nakatayo si Edu sa likod ng GF na nakaupo naman sa sofa. Nakapatong ang kamay ni Ann sa kamay ni Edu at marami ang kinilig sa slight PDA (personal display of affection) ng new couple.
Samantala, may post sa Instagram (IG) si Edu, “Enough about my love life, let’s focus on the real issue. Nasaan na ang pera ng bayan? Stop the optics politics. Stop the troll farms. Wala pang nakukulong.”
Sagot ng follower niya, “Sir, puwede unahin ko muna love life mo? Gusto ko lang naman kiligin kahit may giyera dito.”
NAGLABAS na ng teaser ang TV5 ng series na A Secret in Prague (ASIP), ang first project together nina Andrea Brillantes at Enrique Gil. Wala pang binanggit na airing date ang network. Ang pangako nila, “The upcoming series promises a powerful story about love, family, and fighting for what the heart truly wants.”
Gagampanan nina Andrea at Enrique ang karakter nina Kiara at Mikoy. Dahil fresh pairing at dahil pareho silang galing sa ABS-CBN, pinag-uusapan ang first project nila sa TV5.
This early, may mga salty na sa tambalan nina Andrea at Enrique at inuunahan na nilang hindi tatanggapin ng mga viewers ang tambalan ng dalawa. Hindi raw sumama ang kanilang fans sa paglipat nila sa TV5, pero sa mga nababasa namin, mas marami ang excited dahil bagong tambalan at gusto nilang maging successful ito para na rin sa dalawang bida.
Bukod sa bagong tambalan, dagdag na ganda ng series ang Prague setting — isang romantic backdrop na lalong nagpaganda sa kuwento ng karakter nina Andrea at Enrique.
Based sa trailer, may bagong love team na dapat abangan at mamahalin, lalo na’t expected na magpapaiba sa timpla ng primetime ng TV5 ang series. Ilalagay ito sa TodoMax Primetime Singko line-up, kaya abangan.
NAKAKATUWA si Yasmien Kurdi. She never stops learning at naka-enroll siya ng Law course sa Arellano Law School. Kapag nakatapos at nakapasa sa bar exam, magiging dalawa ang kanyang degree.
Tapos ng Nursing si Yasmien at ngayon, ang maging lawyer ang pinag-aaralan. May tumatawag na sa kanya na Attorney. Curious ang mga fans nito kung magso-showbiz pa raw ba si Yasmien kapag abogada na.
Sa isang post sa Instagram (IG), nai-share ni Yasmien na katatapos lang ng exam niya for this semester.
“Nag-enjoy ako sumagot ng questions sa exam namin kanina dahil timing for International Women’s Month ang subject ko,” sabi nito.
Ayon kay Yasmien, isa sa mga favorite subjects niya sa Law school ang Gender Sensitivity and Laws on Women and Children’s Rights. Nag-submit na rin siya ng reaction paper sa Supreme Court’s Legal Feminism in Philippine Gender Jurisprudence.
Naninibago ang mga fans dahil legal matters and legal terms na raw ang sinasabi ng aktres. Ang feeling ng mga fans, itsa-champion ni Yasmien Kurdi ang karapatan ng mga babae, pati na mga bata kapag naging lawyer na siya.




Comments