top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Netizens, takang-taka… KYLE, LAGING KASA-KASAMA NI PIOLO KAHIT SAAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2023
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 30, 2023



Trending sa social media ang mga naglabasang pictures ng mga dating Star Magic artists kasama ang dating top executive ng talent management ng ABS-CBN na si Johnny Manahan, na mas kilala sa showbiz bilang si Mr. M.


Pinangunahan ni Piolo Pascual ang mga former co-artists niya sa Star Magic na dumalo sa reunion nila with Mr. M. Nandu'n sina Jericho Rosales, Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Maja Salvador at Heart Evangelista.


Nagtataka naman ang mga netizens kung ba’t napasama roon si Kyle Echarri. Naging usap-usapan tuloy sa Twitter ang presence niya sa reunion ni Mr. M with his "babies."


"Genuine question, ba't nasali si Kyle? Seryosong tanong 'yan, ha?"


"Out of topic, why is Kyle everywhere? Like, du'n sa group ng KathNiel and now here, genuinely asking lang."


"Tanong lang, bakit laging kasama ni Papa P. si Kyle?"


Dinepensahan naman si Kyle ng ibang netizens, "May movie sila..."


Nagsu-shoot na raw sina Piolo at Kyle para sa pelikulang The Ride.


Pinagtsismisan din ng mga Marites sa socmed ang dating magdyowa na sina Jericho Rosales at Heart Evangelista.


In fairness, super-tagal since huling nakitang magkasama sina Jericho at Heart.


"Dito lang talaga ako nakatingin," sey ng isang netizen na ang tinutukoy ay ang cropped picture from the group photo kung saan magkatabi sina Heart at Echo.


Kami rin! Nakisali? Hahaha!


"Escudero is shaking," sey naman ng isa pa.


Hmmm…. puwede! Lalo pa’t may mga solid fans pa rin sina Echo at Heart na gusto silang mapanood na magkasama sa isang movie project.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page