top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NETIZENS KAY POKWANG: BITTER KA LANG DAHIL MAS MADATUNG ANG IPINALIT SA 'YO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 28, 2023



Ayaw paawat ng komedyanteng si Pokwang sa mga parunggit niya sa dating partner at ama ng anak niyang si Malia na si Lee O’ Brian.


Kahapon ay nag-tweet si Pokwang ng mensahe para kay Lee, “Tapos, sasabihin nitong inggratong Kano na ito saan s'ya banda dapat mag-sorry sa 'kin?? Dito! Mag-sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka niya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years, sanay siya na walang kaagaw sa 'kin. Maging masaya lang ako, tinanggap ka niya!”


Ang tinutukoy ni Pokie ay ang post ng isang netizen na tanda pa ang mensahe ng panganay na anak ng komedyana na si Mae Subong tungkol sa dating karelasyon ng kanyang ina.


Post ng netizen, “Nakakaiyak naman. Naalaala ko tuloy 'yung message ni Mae sa KrisTV ba 'yun dati? Bago pa lang kayo ni ex mo (Lee) noon. Sabi ni Mae, pls. take good care of my mom because she’s all that I have. Kaka-touch. Simple ng mensahe pero lakas ng impact. Naluha nga ako, eh.


Kasi ako lumaki din po nang walang tatay."


Sinundan pa ni Pokie ng isang mensahe ang kanyang tweet bilang babala sa mag-aalok ng proyekto kay Lee.


“Ang nagbibigay o magbigay ng project sa Kano na 'yan na wala namang child support, eh, mga tagasuporta ng inutil na ama! Dapat 'wag suportahan! Ipande-date lang nila ng babae n'ya, hahaaahahaa!”


Pero may mga netizens ang nagreak na tigilan na ang pagkuda niya kontra kay Lee.


“Bitter ka lang kasi mas may asim pa at mas mapera ipinalit sa 'yo. Palibhasa, laos ka na at paubos na pera mo kaya ka nagkakaganyan.”


“It’s too much.”

Na sinagot ni Pokie ng ganito, “Nope! Not yet done.”


May nag-post din ng comment na “I hope you find peace,” sa tweet ni Pokie.


Caption ni Pokie sa ini-retweet niya na comment-post ng netizen, “I'll find my peace kapag wala na siya sa 'Pinas, 'yun lang."

Pak!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page