NETIZENS, DUDA SA MOTIBO NI BIANCA SA MGA BF NA PULITIKO
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 22, 2023

Tinatawag ngayong “Politician Hunter” ng mga bashers ang beauty queen-actress na si Bianca Manalo dahil sa pagkakaugnay umano nito sa ilang kilalang pulitiko.
Kinukuwestiyon ng mga ito ang tunay na motibo raw ni Bianca sa pagpili sa mga politicians para maging dyowa.
Matatandaang naging karelasyon noon ni Bianca si Antique Mayor Jonathan Tan.
Nahayag ang kanilang relasyon matapos masangkot sa isang boat accident kasama ang aktres na si Ehra Madrigal.
Pagkatapos nito ay naibalita naman na may namamagitan na kina Bianca at Senator Sherwin Gatchalian makaraang maglabasan ang mga larawan nila sa social media na magkasama sa Hong Kong at nagsa-shopping.
Taong 2019 nang kumalat na ang mga tsika hinggil sa romansa nila na pinagkaguluhan sa socmed at umani ng atensiyon sa publiko.
Napabalita pa na last November, nagdiwang sina Bianca at Sen. Win ng kanilang unang anibersaryo. Kaya, hindi maiaalis na tawaging “Politician Hunter” dahil feeling ng iba ay mga pulitiko talaga ang target nito.
Si Bianca ay nakilala ng publiko noong 2009 matapos manalo sa Binibining Pilipinas Universe. ‘Di nagtagal ay pumasok na siya sa showbiz at nakalabas sa ilang pelikula at teleserye.





Comments