top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Netizen, niresbakan na 'di naman daw maganda… EDU, INOKRAY NA FEELING GUWAPO TULAD NI LUIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 4, 2022



Pinatutsadahan ni Edu Manzano ang netizen na nagtanong sa kanya kung bakit affected ang ama ng TV host na si Luis Manzano sa giyerang nagaganap between Russia and Ukraine.


Ini-repost ni Edu sa Twitter ang kanyang IG post ng sagot niya sa netizen.


“Bakit daw ako apektado sa Ukraine war, eh, di naman daw ako Ukranian. Ay, wow, ikaw nga, apektado sa Miss Universe, 'di ka naman maganda,” mensahe ni Edu sa kanyang IG post.


Sa post niya on his Twitter account ay nilagyan ni Edu ng caption ang kanyang message sa IG, “I pray we never lose our sense of humor. AND OUR FREEDOMS TOO.”


Natawa at pinuri si Edu ng ibang netizens dahil sa kanyang pagiging witty.


“Bwahaha. Ganda ng tirada.”


“He really is funny. Kaya siguro favorite siyang leading man.”


“(3 clapping hands) Well said Edu. LMAO.”


At the same time, nakakalokah din ang comment ng ibang netizens sa pamumuna ni Edu sa kanyang basher.


“Apektado ka? Mahilig ka siguro sa Miss Universe.”


“'Kala mo naman kung sinong guwapo. Now I know kanino nagmana 'yung GGSS son.”


Pero ipinagtanggol ng ilang netizens si Edu sa mga bumabanat sa kanya.


“Tinamaan ka siguro sa patutsada niya sa Miss Universe.”


“O, kita mo, wala 'yung anak d'yan pero idinamay mo din. Saka, guwapo talaga siya. Hindi ko alam kung ano'ng standard mo but he is good looking then and now.”


True!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page