Negosyo at insentibo laan sa 3 Olympic boxers
ni Gerard Arce - @Sports | November 4, 2021

Kasunod ng natanggap na pinansyal na insentibo sa nakalipas na 2020 Tokyo Olympics nina boxing silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medal winner Eumir Marcial ay nasundan pa ito ng bagong gantimpala sa anumang mapipili nilang negosyo.
“At a time when our country is seeing the initial signs of hope to recover from the pandemic, our Olympic medalists continue to inspire us to do our best and rise above all difficulties,” pahayag ni SMC President Ramon S. Ang hinggil sa 3 boxer medalist ng Olympics. "As we wish them further success in boxing in the coming Olympics and in Eumir’s case, his next professional bout, we also taking steps to further secure their future with the San Miguel businesses of their choice.”
Maglalaan ang SMC ng kabuhayan sa mga pinagmulang bayan ng 3 boxers– si Paalam sa Cagayan de Oro; Petecio mula Davao del Sur at ang bagong kasal na si Marcial sa Zamboanga City.
Kasabay nito, biniyayaan din ng SMC ng tig-P5-M sina Paalam at Petecio at P2-M si Marcial, habang ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si women’s weightlifter Hidilyn Diaz ay may P10-M.
Nais din ng SMC na maging malaking inspirasyon ang 3 boksingero sa pagnenegosyo mula sa kanilang bayang sinilangan. Kasabay din ang pagbati kay Marcial nang ikasal ito at inaasahang makaginto sa Paris 2024.





Comments