top of page
Search
  • BULGAR

Nega raw siya sa paghahabol sa ex… POKWANG, TINAWAG NA T*NGA AT HUNGHANG ANG NETIZEN NA NAGTANGGOL SA PADIR NG ANAK

ni Julie Bonifacio @Winner | February 26, 2024





Tinawag ni Pokwang na enabler ang isang netizen na nag-post ng comment at sinabihan ang komedyana na huwag masyadong negative sa ex-live-in partner niyang si Lee O’Brian.


Sinabihan pa ng netizen si Pokwang na hayaan na si Lee kung hindi na suportahan ang anak nila na si Malia. At magkakaroon pa raw ng negative effect kay Malia ang pagne-nega ni Pokwang kay Lee.


Hindi pinalampas ni Pokwang ang mga sinabi ng basher niya sa video na ipinost niya sa Instagram na naglalakad siyang pababa sa hagdanan ng bahay niya wearing a napakasosyal na royal blue overall outfit by international designer Vince Camuto bitbit ang branded Loewe puzzle bag. 


Sagot ni Pokwang sa kanyang basher, “Sana ‘wag pakialamera at t*nga! Alam mo kung bakit dumami mga inutil na ama? Dahil sa mga kagaya mong enabler!!!!!! Akala kasi nila, tama ang ginagawa nila dahil sa mga utak ng kagaya mo hunghang! 


“‘Di ko kailangan ang pera niya! Ang kailangan ko, mamulat s’ya na ang ugali n’ya ay makasarili at inutil s’ya! At ang pamumuna mo na baka makarma ako? Ako na biktima??? Ako??? 


“MGA SALITA ‘YAN NG MGA INGGIT! DOON KA NGA SA IMPIERNO NI KANO ‘WAG KA DITO PANG-MATATALINO LANG DITO HUNGHANG KA!”


Comment naman ng isang netizen, “She’s not healed yet.”


Reply ni Pokie, “Hangga’t nandito pa sa ‘Pinas ‘yang inutil, ‘di pa ako mahi-heal.”


May nagbigay naman ng payo kay Pokwang regarding child support.


‘I just wonder have you asked if you can demand for child support in U.S. embassy kasi dito sa America, you can file for those legally.”


Say ni Pokie, “Magre-renew ng passport si Malia this month so I’ll ask US Embassy regarding child support, ‘di ba @leeobrian?”


So, there.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page