NCAA U.S. Memphis Tigers at FSU, may COVID outbreak
- BULGAR

- Sep 22, 2020
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | September 22, 2020

Muling nagkansela ang NCAA Division I American football team na Memphis Tigers ng nakatakdang laban sa University of Texas-San Antonio Roadrunners dahil sa patuloy na pagkakaroon ng coronavirus disease (Covid-19) outbreak sa koponan nito.
Maghaharap ang Tigers at Roadrunners sa darating na Biyernes, ngunit dahil sa inaayos pa ang mga isyu hinggil sa pagkakaroon ng “significant number of individuals” sa programa nito, kasunod ng naunang kanselasyon ng laro laban sa Houston Cougars nitong nakalipas na Biyernes matapos ilagay sa quarantine protocols ang ilan sa mga manlalaro nito; nararapat lamang umano na unahin muna ang kapakanan ng kalusugan ng mga manlalaro nito.
“While we project our quarantine and isolation numbers to improve next week, we felt it was in the best interest of the health and safety of our student-athletes to make this decision now,” pahayag ni Memphis athletic director Laird Veatch sa isang statement.
Hindi na ire-reschedule ang laban ng Tigers at Roadrunners, bagkus ay haharapin na lang nito ang Middle Tennessee kapalit ng Memphis para sa nakatakdang Setyembre 25 na laban, habang sinabi ng Memphis na idinagdag nito ang isa pang home game sa pagitan ng Stephen F. Austin Lumberjacks sa mga schedule nito sa Setyembre 21.
Samantala, hindi muna mamamanduhan ni Florida State University American football coach Mike Norvell ang Seminoles matapos magpositibo sa coronavirus disease (Covid-19), habang aalamin pa kung may iba pang tinamaan sa kanilang koponan, kasunod ng paghahanda para sa laban sa Miami para sa NCAA Division I Atlantic Coast Conference.
Inihayag ng 38-anyos na Irving, Texas-native na maayos ang kanyang kalagayan, habang nag-negatibo naman ang asawa’t anak nito, samantalang naka-isolate si Florida State athletic director David Coburn ng hindi bababa sa 10-araw na quarantine. “We will continue to test staff and student-athletes as we have been,” pahayag ni Coburn sa isang statement. “We have communicated with Commissioner John Swofford and Miami athletic director Blake James. At this point, based on our testing this week, we have no reason to believe that the Miami game is in jeopardy.”
Hahalili para sa first-year coach ng FSU na si Novell si Chris Thomsen bilang deputy head coach, gayunpaman, tutulong pa rin sa abot ng kanyang makakaya ang dating Central Arkansas wide receiver sa kanyang koponan kahit malayo ito.





Comments