top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

NBL President's Cup, tagumpay ang liga at negatibo rin lahat sa COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2020
1 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | November 6, 2020




Lumabas na ang hinihintay na mga resulta sa COVID-19 tests! Masayang ibinalita ng National Basketball League (NBL) na natapos ang 2019-2020 NBL Black Arrow Express President’s Cup Finals na walang natalang positibong kaso sa mga atleta, opisyal at staff na nanatili sa loob ng bubble ng mahigit isang linggo sa Bren Z. Guiao Convention Center ng City of San Fernando, Pampanga.


Sumailalim lahat sa pagsusuri sa gabay ni Dr. Johan Uichico MD na dating sentro ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP at ng Games and Amusements Board (GAB). Dumaan ang lahat sa apat na beses ng pagsusuri – tatlong Antigen at isang RT-PCR.


Nagkampeon ang Pampanga Delta Converge kontra sa La Union PAOwer sa seryeng best of five, 3-1. Tinanghal si Clifton Gania ng Delta bilang Most Valuable Player (MVP) ng torneo habang ang kakamping si Levi Hernandez ang MVP ng Finals.


Samantala, puspusan na ang paghahanda para sa makasaysayang unang Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft. Kailangan muna dumaan ang 177 na kandidata sa isang Draft Combine kung saan ipapamalas nila ang kanilang husay sa harap ng mga coach.


Ilalabas ng WNBL ang opisyal na listahan ng mga koponan sa mga susunod na araw. May mga koponan buhat sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas subalit hindi sila pipili sa draft dahil kukuha sila ng manlalaro mula sa hanay ng mga sundalo. Inaasahan na magbubukas ang NBL at WNBL sa unang mga buwan ng 2021. Ito rin ang kanilang unang sabak bilang mga ganap na ligang propesyonal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page