top of page

NBL: Generals, ipinatikim ang unang talo sa Elyu PAOwer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2022
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 13, 2022



Itinapal ng Taguig Generals ang unang talo sa La Union PAOwer, 107-98, at gulantangin ang 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup Biyernes sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City. Sa tampok na laban, umiwas sa malaking disgrasya ang DF Bulacan Republicans at binigo ang bisitang Quezon City All-Stars, 104-95.


Matalas pa rin ang Generals kahit galing sila sa tatlong linggong pahinga at ibinura ang 41-23 lamang ng PAOwer sa 2nd quarter. Tabla ang laro sa 91-91 at ipinasok ng Taguig ang limang free throw upang umabante, 96-91.


Saglit nagbanta ang La Union sa shoot ni Jap Pambid, 93-96, subalit sinagot ito ng buslo ni Noel Santos at sinundan ng pandiin na tres ni Francisco Tancioco papasok sa huling minuto, 101-93. Napilitang mamigay ng foul ang PAOwer upang itigil ang orasan subalit walang kabang ipinasok ng Generals ang anim pang free throw upang makumpleto ang tagumpay.


Namuno si Best Player Santos sa kanyang 22 puntos bilang reserba. Bumalik din sa aksyon si Dan Anthony Natividad sa kanyang 16 puntos habang tig-13 puntos sina Fidel Castro at Edzel Galoy.


Naipasok ni Benedict Benedictos ang tres upang simulan ang 4th at ibalik sa 16 ang pinakamalaking lamang sa Republicans, 83-67. Biglang bumanat ng 3-points sina Joseph Brutas at Enzo Battad at unti-unting nakalapit ang All-Stars.


Lilipat ang NBL sa Bren Z. Guiao Convention Center ngayong Linggo. Haharapin ng defending champion Pampanga Delta (3-0) ang bisitang Laguna Kings (1-4) sa 6 p.m.


kasunod ang salpukan ng Muntinlupa Constructicons (2-3) at Las Pinas Oil Machines (1-3) sa 4 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page