NBI, may lead na sa umano'y assassin na kinuha ni VP Sara vs. PBBM
- BULGAR

- Apr 29
- 1 min read
by BRT @News | April 29, 2026

Photo: File
Kinumpirma ni NBI Director Melvin Matibag nitong Miyerkules na may hawak na silang lead tungkol sa umano’y assassin na kinausap at binayaran ni Bise Presidente Sara Duterte para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Matibag sa pagdinig ng House justice committee, “Zeroing in na kami sa ilang indibidwal na maaaring nakausap niya [Vice President Duterte] kaugnay ng banta na ginawa niya.”
Ang mga lead mula sa patuloy na case buildup ng NBI ay konektado sa umano’y planong pagpatay kina Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, batay sa pahayag ni Duterte sa kanyang virtual presscon noong Nobyembre 23, 2024.
Patuloy na sinisiyasat ng komite ang kaugnayan ng mga pahayag at ebidensya habang nagpapatuloy ang proseso ng impeachment.





Comments