top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

NBA, may audience na; Irving, nagpasikat sa Nets

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 13, 2021





Kahit kulang ay nag-alay ng matinding laro si Kyrie Irving at Brooklyn Nets sa kanilang mga tagahanga at pinatumba ang bisitang Boston Celtics, 121-109, sa tampok na laban sa NBA kahapon mula sa Barclays Center na pinapapasok na ang publiko. Lamang lang ng dalawa, 108-106, ibinuhos ni Irving ang walo sa kanyang 40 puntos sa huling apat na minuto upang umarangkada palayo at hindi na lumingon pa.


Double-double si James Harden na 22 puntos at 10 rebound habang 18 si Landry Shamet. Hinihintay pa ng Nets na gumaling ang mga pilay nina Kevin Durant at bagong pirmang si Blake Griffin.


Inangat ng Philadelphia 76ers ang laro upang patahimikin ang Chicago Bulls, 127-105, at manatiling numero uno sa Eastern Conference sa kartadang 25-12, kalahating laro ang lamang sa 25-13 Nets. Nagsabog ng 24 puntos si Tobias Harris habang 18 puntos at 12 rebound si Dwight Howard upang takpan ang hindi paglaro nina Joel Embiid at Ben Simmons bunga ng health protocol.


Taglay pa rin ni All-Star MVP Giannis Antetokounmpo ang bangis sa 134-101 pagdurog ng Milwaukee Bucks sa New York Knicks. Triple double si “Greek Freak” na 24 puntos, 10 rebound at 10 assist sa 29 minuto at sinundan ni reserba Bryn Forbes na may 21 puntos mula sa 7 tres sa 18 minuto.


Ipinasok ni Tony Snell ang tres sabay ng huling busina upang makalusot ang Atlanta Hawks sa Toronto Raptors, 121-120 at magtabla sa 17-20. Nagparamdam si Trae Young na dapat isinama siya sa All-Star sa 37 puntos habang may 20 si Danilo Gallinari.


Bumuhos ng 5 puntos si Terry Rozier sa huling minuto upang mapigil ng Charlotte Hornets ang paghabol ng Detroit Pistons, 105-102. Nagtapos na may 10 ng kanyang 17 puntos sa 4th quarter si Rozier upang tulungan si PJ Washington na may 20 at Gordon Hayward na may 17 din.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page