top of page
Search
  • BULGAR

Nawawalang babae, nakitang patay sa loob ng isang python sa Indonesia

ni Angela Fernando @Overseas News | June 10, 2024



Showbiz Photo

Natagpuang patay ang isang babae sa loob ng tiyan ng isang python matapos siyang nilamon nang buo sa Indonesia, ayon sa balita ng isang lokal na opisyal.


Ito ang ikalimang kaso ng tao na nilunok ng sawa sa bansa mula nu'ng 2017. Nakita ng asawa ng 45-anyos na pinangalanang si Farida at mga residente ng nayon ng Kalempang sa probinsya ng South Sulawesi ang biktima sa loob ng isang reticulated python na may sukat na limang metro.


Ayon kay Suardi Rosi, pinuno ng nasabing nayon, ang ina ng apat na si Farida ay nawala nu'ng Huwebes ng gabi at hindi nakauwi, kaya agaran silang nagsagawa ng paghahanap at natagpuan itong walang buhay sa loob ng tiyan ng python.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page