top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nawalang pera, kailangan pa ring bayaran… DEMANDA NI KIM SA UTOL, INIATRAS NA RAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 10, 2026



TEKA NGA - DEMANDA NI KIM SA UTOL, INIATRAS NA RAW-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



May ilang umiikot na tsikang idinadaan muna sa blind item.

Diumano, maaaring magkaayos na ang magkamag-anak na nagkaroon ng problema sa pera kaya humantong sa demandahan.


May ilang nagsasabing posibleng si Kim Chiu at ang kanyang ateng si Lakam ang tinutukoy sa BI. Baka raw iurong na ang demanda, pero kailangan pa rin na magbayad at ibalik ang malaking halagang nagalaw.


Maaaring out-of-court settlement na lang ang mangyari at hindi na ito ipaalam sa media. Kaya nakaabang ang lahat sa mga kaganapan ngayon sa buhay ng Chinita Princess.


Posibleng lumamig na ang loob ni Kim at may nakapagpayo na huwag na niyang ituloy ang demanda sa kanyang Ate Lakam. 

‘Ika nga, ‘blood is thicker than water’. 


Besides, may natutunan naman si Kim sa nangyari. Kailangan na personal na tutukan niya ang kanyang negosyo at huwag ipagkatiwala kahit sa kamag-anak pa.





HINDI masasabing huling concert na ni Regine Velasquez ang kanyang pagtatanghal na gagawin sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa October 17 at 18. Bale, last major concert lang niya ang Finale, pero puwede pa rin siyang tumanggap ng mga shows at magkaroon ng concert sa maliliit na venue.


Ganunpaman, todo ang preparasyon para sa concert na ang nag-aasikaso ay ang kanyang kapatid na si Cacai, na manager din niya.


At bilang regalo sa kanyang mga fans na hindi maka-afford ng mahal na concert ticket, libre ang second day ng Finale sa October 18. Kailangan lang na magparehistro sila upang makakuha ng libreng ticket.


Kaya naman, abalang-abala si Cacai sa pagkuha ng mga sponsors dahil malaki ang gagastusin sa concert sa MOA Arena.


Anyway, ang free concert na idea ni Regine ay bilang pagse-share ng kanyang blessings sa mga fans na tumangkilik sa kanya sa loob ng ilang dekada. Utang niya sa kanyang mga tagahanga ang kanyang tagumpay bilang singer, recording artist, at performer.


Well, sinu-sino pa kaya sa mga singers ngayon ang magkakaroon din ng free concert para sa kanilang mga fans?





SA edad niyang 27, masasabing financially secured na ang Sparkle artist na si Gabbi Garcia. Maaga niyang nakamit ang kanyang mga pangarap at na-enjoy ang kanyang freedom.


Malaya siyang nakakapag-travel kung saang bansa niya gustong magbakasyon. Very supportive pa ang kanyang parents sa kanyang showbiz career.


Magaganda ang mga projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7 at nahahasa nang husto ang kanyang acting at hosting skills.


Thankful si Gabbi sa mga oportunidad na dumarating sa kanya ngayon. Masuwerte rin siya na nakatagpo ng karelasyong nagsisilbing inspirasyon.


Hindi naging sagabal si Khalil Ramos sa aktres, kaya naabot niya ang kanyang mga pangarap. Hindi siya pine-pressure nito upang makakuha ng atensiyon.


Parehong artista sina Gabbi at Khalil, kaya alam nila ang kanilang mga priorities. Kaya rin siguro nagtagal ang kanilang relasyon.





PAGKATAPOS ng anim na taon ng paninirahan sa USA, balik-‘Pinas na sina LJ Moreno at Jimmy Alapag, kasama ang apat nilang anak.


Sobrang saya ni LJ nang muling makabalik dahil na-miss niya ang kanilang mga kamag-anak at ang kanyang mga kaibigang artista. 

Na-miss din niya ang pag-arte.


Iniwan niya ang kanyang career nang sumama siya sa kanyang mister na si Jimmy sa Amerika na naging coach doon sa ilang NBA teams.


Hindi naging madali kay LJ ang manirahan sa USA at mag-asikaso ng mga anak dahil laging wala si Jimmy dahil sa trabaho.


Sa kanilang pag-uwi, kinuhang coach ang mister niya ng NLEX Road Warriors. Napapanahon ang pagbabalik ni Jimmy dahil maibabahagi niya sa mga Pinoy basketball players ang kanyang mga natutunan sa NBA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page