top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nawalan ng panlasa at pang-amoy… MICHAEL V., COVID POSITIVE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 21, 2020




July 15 nu'ng sumalang sa swab test ang komedyanteng si Michael V. dahil sa kakaibang nararamdaman na kaugnay ng mga sintomas ng Covid-19.


Pagkaraan ng ilang araw na paghihintay ng resulta, nagpositibo si Michael V. a.k.a. Bitoy for Covid-19. Kinumpirma niya ito sa kanyang vlog sa YouTube kahapon, Lunes (July 20).


Sa naturang vlog, ipinakitang well-documented ang COVID-19 journey ni Michael V..


Ipinakita niya ang pag-uumpisa ng mga pagbabago sa kanyang pakiramdam, ang pagsailalim niya sa swab test noong July 15 para matiyak ang tunay na kalagayan dahil sa COVID-like symptoms na kanyang pinaghihinalaan, at para na rin magsilbing preventive measures para hindi mahawa ang mga kasama niya sa bahay sakali mang positibo siya.


Noong July 18, nalaman ng 50-year-old comedian na positibo ang resulta ng swab test sa kanya dahil sa e-mail na natanggap mula sa St. Luke’s Medical Center.


Tumawag si Michael V. sa emergency room ng ospital para maging malinaw sa kanya ang nakasulat na SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA Detected.


"Right now, fever na lang. 'Yung loss of smell, parang nare-regain ko na. So, fifteen days after…" sagot ni Michael sa kausap niya sa kabilang linya ng telepono na nagtanong tungkol sa kanyang pakiramdam.


"Positive just as what we suspected early on.


"Alam kong hindi normal 'yung nawala 'yung pang-amoy ko, and I was counting na may kinalaman talaga 'yun sa COVID.


"Pero I was also praying na sana, wala. Sana, allergy lang or something.


"But it turns out... itutuloy lang natin 'yung mga sinabi sa atin na mga kailangang gawin and we’ll get through this."


Naka-isolate ngayon sa isang kuwarto sa kanilang tahanan si Michael V.. Mahigpit ang pagbabawal na lapitan siya ng kanyang kasama sa bahay pati ng kanyang pamilya.


"We’ve been through worse, sobrang nami-miss ko na ‘yung pamilya ko," malungkot na sabi ni Michael V.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page