top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Nauuso na naman ang rigodon sa lider at kandidato, hays!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 22, 2021



MATIRA matibay talaga ang eleksiyon.


Maaga pa pero nagririgodon na kaliwa’t kanan ang mga lider at kandidato!


◘◘◘


MAY lumilipat, may sinisibak, may tuma-tumbling-tumbling at bumabalimbing.

Parang komedya at zarzuela!


◘◘◘


MASYADONG at home, kaya’t maraming artista ang pumapasok sa pulitika.


Para rin kasing pelikula, may bida at kontrabida!


◘◘◘


UMIEKSENA na naman ang kampo ng artistang si Mayor Isko at maging ang grupo ng artistahing si Sen. Manny Pacquiao.


May giyera-patani sa loob ng kanilang inner circle.


Ibinabala na natin ang senaryong ‘yan kamakailan!


◘◘◘


MAY ulat namang sinipa mula sa NPC ang dating Comelec commissioner na si Goyo Larazabal.


Bakit kaya?

May nagoyo ba?


◘◘◘


AYON sa ating source ay wala na sa NPC ang former commissioner.


May ugong na may ginawang diskarte si Goyo na inilihim sa matataas na opisyal ng partido!


◘◘◘


TOTOO kayang sumakabilang bakod na si Goyo?


Ang problema, tumalon siya sa isang grupo na sinasabing may ilang miyembro na kadududa ang character dahil idinadawit sa narcolist ni P-Digong!


◘◘◘

NABABAHALA ang ilan na baka desperado na si Goyo kaya hindi siya makapili ng mas matitinong kasama.


Nanghihinayang tayo dahil maganda ang reputasyong naitindig niya sa Comelec!


◘◘◘


MAY nagsasabing nakikipag-alyado si Larazabal sa grupo ng mga Codilla.


Ipinaaalala ng ilan na baka madamay pa siya sa samu’t saring alingasngas sa DPWH dahil sa mga sub-standard projects!


◘◘◘


MAHIRAP talagang makabuo ng solidong grupo na may maayos at kapita-pitagang core group.


Ang epektibong core group kasi ang pundasyon ng matatag na maniobrang pampulitika!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page