top of page

Nauubos daw ang oras kay AJ… ALJUR, NO SHOW SA B-DAY NG ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 7, 2024


Showbiz News
Photo: Aljur Abrenica / IG

Mukhang nagkukulang na si Aljur Abrenica ng panahon sa dalawang anak nila ni Kylie Padilla na sina Alas at Axel Romeo. Hindi nakasipot si Aljur sa birthday celebration ng kanyang mga anak na inihanda nina Mariel Rodriguez at Sen. Robin Padilla. 


Dati-rati naman ay nakakasama ni Aljur ang dalawang anak kapag nagbi-birthday ang mga ito. Mukhang nakasentro na lang kay AJ Raval ang panahon ni Aljur, kaya pati kaarawan ng kanyang mga anak ay nakakalimutan na. 


Samantala, extended celebration sa birthday ng anak ni Kylie Padilla ang kanilang bakasyon sa Japan. Kasama nila ang rumored non-showbiz boyfriend ni Kylie at mukhang tanggap na rin ng kanyang mga anak ang bagong karelasyon niya ngayon. 

Masayang nakikipag-bonding kina Alas at Axel ang bagong dyowa ni Kylie.


Showbiz News
Photo: Kylie Padilla / IG

Well, inaayos na kaya nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ang annulment ng kanilang kasal upang pareho na silang lumaya sa isa’t isa?



Biglang kambiyo ngayon ang nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo, matapos siyang ma-bash ng mga nakikisimpatya sa anak niyang gold medalist sa Paris Olympics 2024.


Sa kabila ng paglilitanya ni Angelica, kay Carlos pa rin pumanig ang mga Pinoy fans.


Walang naniniwala sa mga akusasyon ng ina ni Carlos na pinagbintangan siyang ninakaw ang pera ng anak at tinawag din niyang madamot si Carlos. 


Kalaunan ay sinabi rin ni Angelica na ang nasabing pera ni Carlos ay ipinagpagawa niya ng bahay at ang iba ay ipinasok niya sa investments na hindi ipinapaalam sa anak.


Hawak din niya ang passbook sa bangko ni Carlos, kaya naman nag-declare ang gold medalist na nawawala ang kanyang bankbook upang bigyan siya ng bago. 


Hindi na menor-de-edad si Carlos, kaya bakit ang kanyang inang si Angelica ang kailangang humawak ng passbook? 


Well, mukhang nagkaroon lang ng miscommunication sa panig ni Carlos at ng kanyang ina. One of these days, magkakaayos at magkakasundo rin sila. 


May ilang netizens naman ang nagsasabing baka nagseselos at nai-insecure ang nanay ni Carlos Yulo sa tisay na girlfriend ng anak na si Chloe San Jose. Marami ring fans ni Carlos ang hindi boto sa nobya nito, nakakaramdam daw sila na red flag ito.



Sa isang interbyu ni Boy Abunda kay Bea Alonzo ay natanong kung sinu-sino ang mga lalaking naugnay sa kanyang buhay. 


Pag-amin ni Bea, si Stefano Mori ang kanyang “first crush”, si John Lloyd Cruz naman ang kanyang ‘first screen kiss’ nang magtambal sila sa pelikula, pero ang kanyang first boyfriend ay si Mico Palanca na galing sa rich family bago pa ito nag-artista. 


At that time na magkarelasyon sila ni Mico Palanca ay hindi gaanong nagkainteres ang publiko sa love life ni Bea Alonzo at nu’ng maging nobyo na niya si Zanjoe Marudo ay walang gaanong isyu na pinag-usapan sa kanilang relasyon na tumagal din nang ilang taon. 


Mas marami pa ang kinilig sa kanila ni John Lloyd Cruz. Maraming fans ang umasa na totohanan na ang kanilang relasyon. Box office hits ang mga pelikulang kanilang pinagtambalan ni Lloydie pero wala silang inaming relasyon, screen partners lang daw sila.  


Dismayado rin si Bea sa naging relasyon nila ni Gerald Anderson na bigla na lang naputol at naglaho na mistulang ghost na hindi na nagparamdam. 


Si Dominic Roque, marami ang labis na nanghinayang dahil akala ng lahat ay natagpuan na ni Bea ang kanyang ‘the one’. Naudlot ang nakaplano na sanang kasalan, hindi pa rin sila ang nakatakda para sa isa’t isa.


Sa ngayon ay pahinga muna ang puso ni Bea Alonzo sa pag-ibig.



Maraming viewers ng Unang Hirit (UH) ang natuwa sa pagbabalik ni Arnold Clavio sa nasabing morning show ng GMA-7. Na-miss ng kanyang mga co-hosts sa UH si Igan, na pansamantalang nag-leave sa show nang magkaroon ng mild stroke.


Lahat ay nagpapaalala kay Arnold Clavio na hinay-hinay lang, kaya maging sa pagkain ay ingat na rin siya ngayon. 


Kung dati-rati ay bongga ang breakfast ng mga UH hosts at ang paboritong crispy pata ni Igan, ngayon ay nilagang itlog at nilagang saba na lang ang kinakain nila sa studio. Dinadamayan si Arnold Clavio ng kanyang mga kasamahang hosts na sina Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching-Pascual, Shaira Diaz, atbp. sa kanyang bagong diet ngayon.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page