Nauntog na sa pagiging maluho… SIGAW NI HEART: 'DI LANG BRANDED NA GAMIT ANG NAGPAPASAYA SA TAO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 4, 2022

Likas na may kaya sa buhay ang pamilya at isang certified na fashionista kaya natural lamang kay Heart Evangelista na bumili ng mga branded na gamit tulad ng damit, bag, sapatos accessories, atbp..
Nag-invest din siya sa pagbili ng mga alahas at real estate properties.
Pero ngayon, medyo kinokontrol na ni Heart ang paggastos at pagbili ng mga branded na gamit. Nagkaroon daw siya ng realization na maraming bagay ang puwedeng magpasaya sa isang tao, hindi lang ang mga branded at mamahaling gamit.
Sa ilang taon ng kanyang hilig sa pagsa-shopping, halos umaapaw na sa dami ng damit, bag at sapatos ang kanyang closet. At marami rito ay hindi pa niya nagagamit.
Nakakalula ang halaga ng mga collection ni Heart ng branded stuff. Milyones na ang halaga ng mga ito. At ngayon nga niya naisip na hindi siya dapat mamili nang mamili ng mga branded na gamit dahil ang tunay na nagpapasaya raw sa tao ay ang mga simpleng bagay lang.
Pipili na lang siya ng gamit na hindi agad-agad naluluma at nawawala sa uso. Ilalaan na lang niya ang kanyang pera sa mga kapaki-pakinabang na bagay tulad ng pag-i-invest sa negosyo.





Comments