top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nauntog na kontrabida sila... MGA JALOSJOS, TODO-BANAT NOON, TODO-PURI NGAYON SA TVJ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 14, 2023




Mukhang nag-iba ang tono at diskarte ng mga Jalosjos ngayon sa isyu nila nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.


Kung dati-rati ay palaban at maingay ang style nila, ngayon ay biglang bawi at mahinahon na. Hindi na “nega” ang atake nila kundi naging positibo na.


Marahil ay na-realize nila na the more na sinisiraan nila ang TVJ, the more na mas nakakakuha ng simpatya ang tatlo at silang magkakapatid (Jalosjos) ang lumalabas na kontrabida.


Matatandaang sinabi nila before na hindi lang TVJ ang dahilan kung bakit tumagal ang Eat… Bulaga! ng apat na dekada sa ere.


Ngayon, tila nagbago na ang ihip ng hangin at todo-puri na ang mga Jalosjos kina Tito Sen, Vic at Joey. Sinabi pa nga ng mga ito na walang puwedeng pumalit sa iconic trio.



Bukod doon, binati pa ng TAPE, Inc. ang TVJ at mga Dabarkads sa paglipat nila sa TV5 bilang kanilang bagong network at tahanan. Dito na nga ipalalabas ang bagong noontime show ng mga original hosts ng EB!.


Well, let’s see kung sincere nga ba talaga ang mga Jalosjos sa kanilang mga sinasabi at ginagawa ngayon. Ang mga viewers naman ang bahalang magdesisyon kung ano’ng programa ang kanilang patuloy na tatangkilikin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page