top of page
Search
BULGAR

Naunahan na naman siya… ALEX, NAINIS AT NAGALIT NANG MALAMANG BUNTIS ULI SI TONI

ni Julie Bonifacio @Winner | November 6, 2023



Ini-reveal ni Alex Gonzaga na muli siyang nagka-miscarriage sa interbyu ng kanyang ate na si Toni Gonzaga para sa Toni Talks You Tube channel nito.


This is the second time na nakunan si Alex, two years after ng kanyang first miscarriage para sa baby nila ng mister niyang si Mikee Morada noong October, 2021.


Dahil sa pangalawang pagkakataon, nabuo ang realization kay Alex na ang pagbubuntis is beyond our control.


“As in kahit ano pa ang gawin mo, IVF pa, surrogate pa,” saad niya.


Nasabi ito ni Alex dahil ang second baby nila ni Mikee ay nabuo thru In Vitro Fertilization (IVF).


Nag-decide siya na mabuntis via IVF nu’ng makita niya ang dating First Lady ng Amerika na si Michelle Obama.


“Nagkaroon ng miscarriage siya (Michelle) after two years ‘di sila makapag-conceive ni Barrack. So, sabi niya, mag-a-IVF siya. Dalawang beses nabuntis si Michelle via IVF. Ayaw na raw kasi ni Michelle mag-waste ng time kakaantay.


“So, ako, parang feeling ko, ako si Michelle Obama. I’m aging na from the East. So, kailangan ko nang madaliin ‘to with the help of science,” tsika ni Alex.


Sa tsikahan ng magkapatid, nabulgar naman na nagkaroon ng sakit na hypothyroidism (kulang sa pagre-release ng thyroid hormone) si Toni, kaya raw sobrang payat niya noon.


Ito rin ang dahilan kaya natagalan bago nasundan ang anak nina Toni at Paul Soriano na si Seve.


After four years bago isinilang ni Toni ang second child nila ni Paul na si Polly.


Nu’ng nalaman daw ni Alex na buntis muli si Toni, nakaramdam siya ng galit at inis.


Halos lahat nga naman sa pamilya at mga kaibigan nila, si Alex ang inaasahang susunod na mabubuntis at ‘di si Toni.


Ang mister niyang si Mikee raw ang nag-pacify ng galit at inis niya sa muling pagbubuntis ni Toni.


Ipina-realized daw sa kanya ni Mikee na mas matagal naghintay sina Toni at Paul for their second baby kesa sa kanila na three years pa lang kasal. Kaya deserved daw nina Paul at Toni na magka-baby ulit.


“Tapos, naiyak ako. Oo nga, ‘no? Bakit nga ba ako in a rush? Hinihingi ko sa Lord, ‘Lord, sana bukas, pregnant na ako. Sana, talagang matuloy na ang pregnancy ko.’”


Pag-amin ulit ni Alex, nape-pressure siya sa mga tao kaya niya gustong mabuntis agad.


“Will din ni Lord ‘yun para matuto ako, para mag-mature ako. Siguro, meron talaga akong dapat pagdaanan to be a better person pa para sa sitwasyon na ‘yun. So, hindi ko rin sinisisi.


Pero siyempre, masakit.


“Tapos, naiisip ko ang ate, nu’ng time na mangyari ‘yung sa ‘yo (bashing), binigyan ka ng blessing. Ibinigay sa ‘yo si Polly.


“So, eto ‘yun. Kailangan kong pagdaanan kasi meron namang ibabalik si Lord if I’ll just become faithful at talagang tanggapin ko ‘yung consequences ng mga actions ko.


“Tapos, sabi ng Lord, ‘Binibigyan mo ako ng deadline. Gusto mo, ‘yung timeline mo ang sundan ko. Hindi ganoon.’


“So, after noon, parang na-realized ko, oo nga, ‘no? Bakit ko pine-pressure si Lord? Bakit ko pine-pressure ang sarili ko?


“Wala namang technically name-pressure sa akin, but because ‘yun ang gusto kong mangyari,” diin pa ni Alex.


Toni’s heart bleeds for Mikee sa nangyaring second miscarriage ng kanyang kapatid.


Kasi, nakita ni Toni na natanggap na ni Alex ang nangyari habang si Mikee ay huli na nag-sink sa isip na nawala ang second baby nila.


Na-realized ito ni Toni kasi nakita niya nu’ng sinisilip-silip ni Mikee si Polly habang pinapalitan ng diaper.


Sabi nga ni Alex, puwede raw bigyan ng award si Mikee for being a loving and supportive husband.


“Then, I told him, ‘Mikee, sorry. Hindi na naman natuloy.’ Sagot niya, ‘Hoy, ano ka ba? Hindi ka dapat mag-sorry. Dami pa nating embryo. Go lang.’


“Hindi siya nagpapakita sa akin ng kalungkutan. Never siyang umiyak sa harap ko. Never kaming nag-iyakan.


“Siyempre, minsan, nalulungkot din ako. Kasi sasabihin sa akin ni Mikee, ‘Alam mo, ang saya-saya ko kahit tayong dalawa lang.’ Pero siyempre, naiinis ako sa kanya kasi bakit naman niya sasabihin ‘yun?” lahad pa ni Alex.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page