top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Naubos, natauhan… WILLIE, UMAMING BILYON ANG IPINATALO SA CASINO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2024
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 17, 2024



Showbiz Photo


Nang humarap si Willie Revillame sa mga Journos hosts ng TV5 na binubuo nina Ed Lingao, Patrick Paez, Lourd De Veyra at Gretchen Ho, nagkaroon sila ng pagkakataon na matanong si Revillame tungkol sa ilang pribadong aspeto ng kanyang buhay. 


Unang tanong ay kung balak ba niyang tumakbong senador sa darating na eleksiyon sa 2025. 


Diretsahang sinagot ito ni Willie na wala siyang balak tumakbo sa anumang posisyon. Besides, three (3) years ang pinirmahan niyang kontrata sa TV5 para sa game show niyang Wil To Win, kaya hindi siya puwedeng kumandidato sa 2025 elections.


Inamin ng host na noong panahon na kumikita siya nang milyun-milyon sa programa niyang Wowowin sa GMA-7 ay natukso siyang mag-casino. Billion ang natalo sa kanya at nakapagbenta siya ng ilan sa mga naipundar niyang properties. 


Pero, agad siyang tumigil sa pagsusugal nang ma-realize niya na nauubos na ang kanyang mga inipon.


Samantala, nagpapasalamat din si Willie sa big boss ng TV5 na si Manny V. Pangilinan at muli siyang tinanggap at binigyan ng second chance. 


At this point of his life, tanging hangad ni Willie Revillame ay makatulong sa mga nangangailangan at makapagpasaya ng mga televiewers. Kaya, muli niyang ibinalik ang kanyang game show.



MAGBABALIK ang character ni Phillip Salvador sa Black Rider (BR) bilang si Mariano na magiging kakampi ni Elias (Ruru Madrid) sa kanyang laban sa mga sindikato. Magsasanib-puwersa ang kanilang lakas upang sugpuin ang masasamang elemento na nagpahirap sa marami. 


Mas matitindi ang action scenes na magaganap na mala-eksena sa pelikula, kaya hindi dapat palagpasin ng mga viewers dahil nalalapit na ang pagtatapos ng BR.

Inaabangan din kung sinu-sinong action stars ang magge-guest bukod kay Phillip.

Well, happy ending ba ang love story nina Elias (Ruru) at Vanessa (Yassi Pressman)? Markado rin ang role ni Jak Roberto bilang si Moises, ang napawalay na kapatid ni Elias na astig at palaban din.


Samantala, grateful naman si Ruru at nagpapaabot ng pasasalamat sa GMA Network na patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Pinasasalamatan din ni Ruru Madrid ang lahat ng kanyang co-stars sa Black Rider at ang libu-libong viewers na gabi-gabing nanonood ng serye.



IKATUTUWA ng mga viewers ng Abot Kamay Na Pangarap (AKNP) ang balitang mapapanood na rin ito sa gabi, 8 PM sa GTV. Kaya ‘yung mga hindi makapanood sa


Afternoon Prime dahil may trabaho ay magkakaroon ng chance na mapanood ito sa gabi.


Kaya simula next week ay nasa GTV na ang AKNP. Good news ito dahil mas tataas pa ang bilang ng kanilang mga viewers. Araw-araw ay inaabangan ng lahat ang mga kaganapan sa AKNP


Well, biggest serye ito nina Jillian Ward at Carmina Villaroel dahil ilang beses nang na-extend dahil sa mataas na ratings. 

Bongga!



NAGSALITA na ang beauty queen na si Priscilla Meirelles tungkol sa isyu nila ng kanyang mister na si John Estrada. Babae na naman ang ugat ng away nilang mag-asawa.


Nabuking ni Priscilla na may kasamang babae si John nang magpunta ito sa Boracay.


Well, ilang beses nang nangyayari ang pambababae ni John at ilang beses na rin silang muntik na maghiwalay. Pero, napapakiusapan at sinusuyo ni John si Priscilla kaya naaayos nila ang kanilang problema.


Pero this time, mukhang naubos na ang pasensiya ni Priscilla at napasabi ng “I had enough” sa kanyang Facebook (FB) Live. 


Kung dati-rati ay napapatawad niya ang pambababae ng aktor, ngayon ay hindi na niya kinaya. Nasagad na raw ang kanyang limitasyon dahil paulit-ulit na lang ang ganitong senaryo sa pagsasama nila ni John Estrada. 


Sisikapin ni Priscilla Meirelles na magpakatatag para sa kanilang anak at minabuti rin niyang lumayo at pumunta sa Amerika upang maka-move on.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page