Natutong mag-golf, mag-exercise, ngayon motor naman… BEA, UMAMING TODO-SAKAY KUNG ANO'NG TRIP NG BF
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 16, 2022

Isa sa mean questions na nabasa ni Bea Alonzo sa kanyang latest vlog ay boring umano siya bilang girlfriend. Masyado raw kasi siyang perfectionist, ayon sa mga Marites, kaya iniiwan ng mga nagiging karelasyon.
Sinagot ni Bea ang komento ng mga netizens.
“I am not a perfectionist. In fact, I myself, am not perfect and nobody is perfect, and I don’t strive to be one. Nakakapagod siguro 'yun.
“But I strive to have a comfortable and honest relationship. So, hindi ako perfectionist,” sey niya.
Noon daw ay totoong idealistic siya pagdating sa pakikipagrelasyon, pero may natutunan daw siya sa kanyang past relationship.
“Dati, idealistic ako, I have to admit. Natutunan ko na ang beauty ng compromise and, sa totoo lang, napasama nga ako dahil I compromised so much in the past. So, dapat may boundaries,” lahad ng Kapuso actress.
Sambit naman ng netizen, mahilig kasi si Bea na sinasakyan ang hobby ng mga nagiging boyfriend.
“Wehhh, kung ano'ng hilig ng mga jowa mo @beaalonzo, hinihilig mo rin. Seasonal ang hilig, walang originality. 'Pag mag-break, ayaw na rin, tapos next hilig ng jowa, ganu'n ulit.”
Sey ni Bea, “Ugh, galit na galit siya.”
Nagpaliwanag naman siya, “Well, totoo naman, kung ano 'yung hilig ng dyowa ko, nagiging hilig ko rin.
“Parang gusto kong pasukin 'yung mundo niya, so that I can understand him.
“Like dati, meron akong naging boyfriend, mahilig sa golf, so nag-golf din ako. Meron namang mahilig sa exercise, so I got into fitness. (Itago na lang natin sa mga initials na ZM at GA).
“Ngayon, hindi pa naman ako nagmo-motor, mahilig mag-motor si Dom (Roque, BF niya).
“Pero, I don’t think there’s anything wrong with it. Siguro, hindi n'yo lang nakikita na meron din ako na mga hilig or hobbies na nagugustuhan din ng boyfriend ko."
Heto pa ang isang komento, “Parang ang boring maging jowa ni Bea.”
Hirit ni Bea, “Tanong natin kay Dom! Parang okay naman siya, happy naman siya.”
'Yun, oh!





Comments