top of page
Pokwang.jpg

Naturukan ng made in China na bakuna, hanggang tingin na lang sa pagdating ng vaccine na made in USA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 6, 2021



NGAYONG NASA PILIPINAS NA ANG ASTRAZENECA, SIGURO NAGSISISI NA ANG MGA NAGPABAKUNA NG SINOVAC—Matapos dumating ang higit 600, 000 Sinovac na made in China, dumating na rin sa bansa ang higit 400, 000 Astrazeneca na made in Europe.


Siguro, nagsisisi ang mga health workers na nagpabakuna na agad ng Sinovac na 50% lang ang efficacy kasi hindi na sila puwedeng bakunahan ng AstraZeneca na 76% to 82% ang efficacy, boom!


◘◘◘


KAPAG NASA BANSA NA ANG MILYUN-MILYONG BAKUNANG GAWANG AMERIKA AT EUROPE, BAD NEWS ‘YAN SA CHINA—Bukod sa AstraZeneca, ayon sa WHO (World Health Organization) ay paparating na rin sa bansa mga bakunang gawang Amerika.


Good news ‘yan sa mga Pinoy pero bad naman sa China kasi kapag nasa Pilipinas na ang milyun-milyong bakunang gawang Amerika at Europe, tiyak na mas gugustuhin ng mga Pilipino na ang mga ‘yun, kaysa sa Sinovac at Sinopharm na made in China na pinu-promote ng tropang Duterte, period!


◘◘◘


WALANG PASOK ‘PAG CHINESE NEW YEAR PERO NAKASANAYANG HOLIDAYS NG MGA PINOY, MAY PASOK—Matapos ipagdiwang sa bansa ang non-working holiday na Chinese New Year noong Feb. 12, 2021 ay nagpalabas naman ng executive order si P-Duterte ng special working holidays na ang All Souls Day na Nov. 2, Christmas Eve na Dec. 24 at New Year’s Eve na Dec. 31.


Isa ‘yan sa patunay na pusong-China si P-Duterte kasi oks lang na walang pasok ang Chinese New Year, tapos ‘yung nakasanayan ng mga Pinoy na Nov. 2, Dec. 24 at Dec. 31 ay idineklara niyang may pasok na, buwisit!


◘◘◘


SA SABLAY NI ROQUE, NADAMAY SI SEN. ‘BATO’—Sablay ang depensa ni Presidential spokesman Harry Roque na huwag batikusin ang utos ni P-Duterte na may pasok sa Nov. 2, Dec. 24 at Dec. 31 dahil ang tagal naman nagbakasyon ang mga Pinoy kasi bukod sa nabatikos siya sa statement niyang ito ay nadamay pa sa batikos si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.


Banat ng netizens sa social media, si Roque lang ang nagbabakasyon-grande sa mga beach sa gitna ng pandemya at nabuhay ang isyu sa sinabi noon ni Sen. Dela Rosa na sarap-buhay niya habang nasa krisis ang bansa dulot ng COVID-19 pandemic, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page