NATIONAL MUSEUM, KAILANGANG KUMITA KAYA PUMAYAG MAGING VENUE NG KASAL NG ANAK NI GRETCHEN
ni Julie Bonifacio @Winner | March 10, 2023

Biglang naging center of attraction ang National Museum of Natural History malapit sa Intramuros, Manila after ng celebrated wedding ng unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco sa negosyanteng si Michael Hearn last March 4, Saturday.
Nagulat kasi ang mga Marites na puwede palang gawing reception sa kasal ang isa sa mga mahahalagang edifices sa Manila.
It takes Dominique and Michael para mag-create ng usap-usapan ukol sa National Museum.
Now they know na puwede palang magpa-event doon, partikular ang wedding reception, basta keri mong magbayad. It costs six figures for one night daw para makapag-event sa National Museum.
Very much willing din ang administrators ng National Museum na ipasara ito kahit araw ng Sabado na usually ay araw ng pamamasyal ng mga Pinoy.
Need naman daw kasi ng National Museum na mag-generate ng funds para sa maintenance ng building.
Prior to Dominique & Michael’s wedding, ginanap din sa National Museum ang fashion show ng kilalang Pinoy fashion designer na si Michael Leyva.
Doon din ginanap ang malaki at napaka-sossy na concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez produced by ABS-CBN.
So, marami na pero dedma lang ang mga Pinoy noon. Until heto na nga, dahil kina Dominique at Michael, biglang everyone is interested na sa National Museum of National History, na para sa amin ay magandang ideya naman.
Just the other day, bago namin gawin ang aming kolum para sa BULGAR, napadaan kami sa harap ng National Museum. May magarang kotse ang nakaparada, as in, ha, kahit naka-go ang traffic light. Mabuti na lang at gabi na kaya kokonti na lang ang mga sasakayang dumadaan doon.
At pag-stop ng traffic light, may dalawang lalaking bumaba na halos kaedaran din nina Dominique at Michael.
And knows n’yo ba kung ano ang kanilang ginawa? Piniktyuran nila ang harapan ng National Museum.
Mukhang may malaking event na pinaplano ang dalawang binatang lalaki sa National Museum.
Magpapakasal din kaya sila at sa National Museum ang venue ng kanilang wedding reception?
Charaught!





Comments