National Dabarkads Day na lang daw… TVJ, 'DI MAKAPAG-CELEBRATE NG 44 YRS. NG EAT BULAGA!
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 29, 2023

Magse-celebrate ngayong Sabado (July 29) sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ng “National Dabarkads Day” sa kanilang programang E.A.T. sa TV5.
Hindi na ang 44th anniversary ng dati nilang noontime show na Eat… Bulaga! ang kanilang ipagdiriwang kundi ang 44 years na magkakasama ang TVJ at mga Dabarkads.
Magiging espesyal ang inihanda nilang episode ngayon ng E.A.T.. Tiyak din na makikisaya ang mga dating hosts na naging bahagi noon ng longest-running noontime show.
At aabangan ng mga viewers kung itutuloy ng Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc. ang pagse-celebrate ng 44 years anniversary ng programa gayung wala na sa nasabing noontime show ang mga original hosts nito, ang TVJ at mga Dabarkads dahil puro bago na ang kinuha nilang hosts ng EB!.





Comments