National Artist na rin… NORA, MAY P100 K CASH, P30 K KADA BUWAN, HEALTH AT LIFE INSURANCE, ETC.
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 13, 2022

Matapos maudlot ang ilang nominations ni Nora Aunor bilang National Artist, sa wakas, na-grant na rin ng NCCA at naipagkaloob na sa Superstar ang pinakaaasam na karangalang maging National Artist (for Arts and Broadcast).
Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Aunor bago nakamit ang Presidential Order for National Artist. Kaya, nagpaabot ng pasasalamat si Nora Aunor kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Panahon pa ni Pangulong Noynoy Aquino nang ma-nominate si Aunor na National Artist. Pero nagkaroon ng isyu at intriga kaya hindi siya nakalusot sa mga hurado.
Ilang taon na dismayado ang mga tagahanga ng Superstar. Hindi na rin umasa pa ang kanyang immediate family na mabibigyan pa ng pagkilala si La Aunor.
Pero sa taong ito, ipinagkaloob na kay La Aunor ang titulong National Artist kasabay ni Direk Marilou Diaz at ng multi-awarded writer na si Ricky Lee.
Maraming incentives ang matatanggap ng isang living National Artist. Bukod sa P100,000 cash, may monthly stipend na P30 thousand for life! Meron ding health insurance coverage, life insurance, at entitled din sa State Funeral sa Libingan ng mga Bayani.
Dapat din na ang isang National Artist ay bigyan ng pagkilala sa mga State Cultural functions. Dapat din silang igalang na tulad ng ilang high ranking officials.
Kaya naman ang isang National Artist na tulad ni Nora Aunor ay hindi puwedeng laitin at alipustahin ng kahit na sino. Bigyan ng nararapat na respeto ang isang National Artist kahit saang event ito magpunta.





Comments