top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Natangay lahat ng pera… TOM, TODO-EMOTE NA NABUDOL NG FRIEND, AYAW NAMANG MAGDEMANDA

BULGAR
Jun 20, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | June 20, 2022



Nagtatanong ang mga ‘invested’ sa paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana kung wala raw bang balak ang Kapuso actor na idemanda ang taong nang-scam sa kanya?


Sinabi ni Tom sa statement na lumabas, lahat ng pera niya ay nawala dahil sa taong ito, kaya ang tanong ng marami, wala ba siyang balak magdemanda?


Hindi raw maibabalik ang pera niyang nawala kung idadaan niya sa web komik series na tinawag niyang The Worst Man ang kanyang gagawin.


Nakalagay sa komik series ang ginawa kay Tom ng taong ito — na nagtiwala siya, pinaikot ang utak niya at nabudol siya. At ang karakter ng “The Worst Man” ay si Budol Jim. Kaya lang, sa paraan ng komiks ang kanyang pagkukuwento.


Sa drawing ni Tom kay Budol Jim, nakilala siya ng mga kaibigan ng aktor at kulang na lang pangalanan. Ang nakakaloka pa, dumalo raw sa kasal nina Tom at Carla ang kumuha ng lahat ng pera niya.


Ibig sabihin, kaibigan niya ito. Kaya, tanong ng mga netizens, wala bang balak magdemanda si Tom?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page