top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Natalbugan ni Marian na elegante at ‘di agaw-atensiyon… HEART, OA, MUKHANG WALKING PAINTING SA GMA GALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2025
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 5, 2025



  • Heart Evangelista - FB

Photo: Heart Evangelista - FB



Wooooow na wooooow!!!

Talaga namang nanggulat ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa recent look niya sa katatapos lang na GMA GALA 2025 na ginanap sa Marriott Hotel sa Newport World Resorts in Pasay City nu’ng Saturday night.


Imagine, kung titingnan ang black lace off-shoulder gown ni Marian na mula pala sa Zuhair Murad’s Spring 2025 Ready-to-Wear collection, simple lang ito pero napakaelegante!


At ang tinatayang presyo raw ng gown ay nasa P400 thousand na!

Eh, kumustahin pa natin ang suot na dalawang necklace ni Marian na ‘yung Bvlgari Allegra ay estimated na P4 million daw, habang ‘yung Tubogas necklace naman ay nasa P2.7 million.


Wait, there’s more! Dahil kung tama ang lumabas na estimate sa PEP.ph, ‘yung Allegra earrings naman daw na suot ni Marian ay nasa P1.7 million.


At kahit ‘yung bitbit niyang maliit na handbag na Serpenti Cuore 1968 daw ang brand, aba, umagaw din ng pansin dahil nasa P225,000 lang naman pala ang halaga nito!

Well, nang i-total namin ang OOTD ni Marian that night, juskoooo, nasa humigit-kumulang P9 million lang naman. 


And hello, wala pa d’yan ‘yung suot niyang shoes, ha?


Oh, ‘di ba naman? Kaya ‘di nakapagtatakang reynang-reyna talaga ang aura ni Marian at bumagay pa sa kanya ‘yung hairstyle niya, kaya naman headturner talaga ang misis ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.  


Actually, kahit nagkabati at nagkaayos na sina Marian at Heart Evangelista, sila pa rin talaga ang inaabangan ng madlang pipol na magpapatalbugan sa pagrampa sa blue carpet ng GMA Gala 2025.


Stand-out din naman at kakaiba ‘yung hand painted Schiaparelli gown ni Heart, kaya lang, hindi namin masyadong ma-appreciate dahil sumakit ang mata namin at ang tingin namin sa kanya ay walking painting.


But yes, na-achieve rin naman niya ‘yung lingunin siya at mag-standout dahil hello, sino nga bang ‘di makakapansin sa presence niya sa sobrang colorful ng suot niya.

Well, wala pa kaming idea kung magkano naman ang OOTD ni Heart sa GMA Gala 2025. Pero for sure, kung may mga suot itong alahas, malamang, hindi rin siya nagpahuli kay Marian.




  • Cayetano


MAY mga nagtaka naman kung bakit nasa GMA GALA 2025 ang mag-asawang Senador Alan Peter Cayetano at Taguig Mayor Lani Cayetano gayung hindi naman sila showbiz celebrities.


Well, FYI, may show sa GMA-7 si Sen. Alan, ‘yung Cayetano In Action with Boy Abunda (CIA with BA) nila ng kapatid na si Sen. Pia Cayetano with Boy Abunda na nasa 11th Season na. 


Marami ang natuwa na makitang magkasama ang mag-asawa sa ganitong klaseng event dahil kahit maraming couples na raw ang naghihiwalay, napapanatili nila ang matatag nilang relasyon na bumilang na rin nang maraming taon. 


Anyway, handog ng CIA with BA ang mga totoong kuwento at legal na payo na magagamit ng mga manonood sa kanilang araw-araw na buhay.

Ipinagpapatuloy nito ang naiambag ng kanilang yumaong ama na si Senador Rene Cayetano sa larangan ng public service media.


Kamakailan, itinanghal ang CIA with BA bilang Best Public Affairs Program sa 38th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Pinarangalan din ang mga hosts nito bilang Best Public Affairs Program Host.


Nagpasalamat naman si Senador Alan sa patuloy na suporta ng mga manonood.

“We try to keep things entertaining, but more importantly, we make sure the show really helps people solve their problems. That’s what matters most,” aniya.


Napapanood ang CIA with BA tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa GMA-7. Available rin ang mga episodes sa opisyal na YouTube channel ng GMA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page