Natakot daw… KIM, TODO-BANAT KAY SEN. MARCOLETA, BIGLANG BINURA
- BULGAR

- Sep 25
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 25, 2025

Photo: Kim Chiu / IG
Burado na raw ang mahabang litanya ni Kim Chiu tungkol kay Senador Rodante Marcoleta kaya’t nagtataka ang marami kung natakot daw ba ang aktres-host o
may nagpayo lang dito na burahin ito?
Marami kasi ang naniniwala na may point naman ang hanash ni Kim lalo’t sa tingin niya ay laging pinaiiral ng senador ang galit kaya’t napupulaan umano ang pagiging “biased” nito sa ginagawang hearing sa Senado.
Pinuri rin ng marami ang pagiging diretso ni Kim kontra sa senador.
May nagsasabi namang baka naduwag si Kim lalo’t naiugnay niya ang isyu sa naging stand noon ni Marcoleta sa pagpapasara sa ABS-CBN. May nagsabi pang bihira na ngang makapuntos nang bongga si Kim sa kagayang isyu, pero bigla naman daw umurong ang buntot nito?
Well, ‘yan ang maganda sa demokrasya. May kani-kanyang pintas at puri. Ang mahalaga sa aming pananaw ay naipahayag ni Kim ang kanyang mensahe at naunawaan ito ng marami.
Whether may nagsabi sa kanyang burahin ‘yun or what, the fact remains that Kim is indeed among our outspoken celebrities na may kakayahang magpahayag ng saloobin.
‘Yun nga lang, kapag nagiging partisan na o may isusulong na ibang lider-pulitiko, du’n na nagrarambulan ng opinyon at puna. Hahaha!
Nakakaloka ang paratang ng isang netizen kay Cristine Reyes na diumano’y sumasabay ang character development sa lagay ng kanyang love life.
Noon daw kasing si Marco Gumabao ang karelasyon nito at naranasan nitong mangampanya, mukha raw para sa administrasyon ang paniniwala nito. May mga nagsabi pang mukhang tumiwalag na raw ito sa tropa ni Imee Marcos na ang ingay-ingay noon sa socmed (social media) at pabor na pabor kay Vice-President Sara Duterte.
“But look at her now. With her new dyowa, Gio Tiongson, aba’y nag-shift na naman ito ng kanyang political color (pinklawan). Seems like may bagong twist sa kanyang character ngayon,” obserbasyon ng netizen.
Ang tinutukoy nga ng netizen ay ang pag-join din ni Cristine kasama ang sinasabing BF sa mga naganap na rally kamakailan kontra-corruption, pero may mga political figure na sinamahan nang dahil nga sa dyowa nitong political analyst.
“Teka lang, hindi ba’t na-introduce na rin siya ng ate niyang si Ara (Mina) sa Discaya couple? Paano ngayong nag-shift na s’ya ng bakod? Ano’ng nangyari sa Pasig connection ng family nila?” tanong pa ng mga mausisang netizens.
Ipinalit kay Julia ng aktor, imposible raw…
VANIE, IBA ANG TYPE, ‘DI SI GERALD
THIS time, gusto naming maniwala na magkakilala lang o baka may mga common friends lang talaga sina Gerald Anderson at Vanie Gandler. Na wala silang romantic involvement (for now, ha?) at totoong sports lang ang dahilan kung bakit sila nauugnay sa isa’t isa.
We have been monitoring and covering volleyball events in general (both men’s and women’s), kaya’t imposibleng wala rin kaming ma-Marites sa kanila kung meron man.
Nasa iisang gym lang nagte-train ang ilan sa mga teams ng volleyball at nagkataon na isa nga si Gerald sa mga may koneksiyon sa naturang gym. Normal na magkita-kita, magtsikahan, alaskahan at kuwentuhan ang mga athletes na nandu’n at makabuo ng tropa-tropa.
But we never discount the possibility na puwede namang magkaroon ng special attachment ang dalawa kung tunay mang may atraksiyon sila or what.
Ang masama lang sa usapin ay dahil si Gerald ang lalaki. Siya itong may mga previous record ng ghosting at diumano’y panloloko noon sa mga naging karelasyon. Nasa kanya kumbaga ang burden of proof para paniwalain ang sambayanan na hindi niya niloko si Julia Barretto nang dahil kay Vanie.
Pero ‘ika nga ng aming colleague sa sporting world, “Hindi talaga, eh. Imposible talaga,” na sina Vanie at Gerald na raw.
Dahil ayon pa sa same source, “Iba ang type, eh.”
Aguy!








Comments