top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nat'l Golfer Tabuena, apektado ng COVID-19 ang rankings sa Olympics

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2020
  • 2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 21, 2020




Malaki rin ang naging epekto ng coronavirus disease (Covid-19) sa kasalukuyang posisyon ni 2016 Rio Olympics golfer Miguel Tabuena sa world rankings na siyang susi upang muli itong makabalik sa Summer Games sa susunod na taon.


Nalaglag na lamang bilang replacement ang 25-anyos na 2010 Guangzhou Asian Games men’s individual golf silver medalist dahil sa pagpalyang makalahok sa mga pandaigdigang kompetisyon, partikular na ang Asian Golf Tour na kanyang sinasalihan, matapos patuloy pa ring nakatigil ang mga kompetisyon nito dulot ng COVID-19 pandemic.


Bago pa magsimula ang pandemya ay nakasabit sa No. 59 sa rankings ang two-time Asian Tour champion kasunod ng solidong performance sa SMBC Singapore Open ng magtapos ito sa 8th spot katabla sina Danny Masrin ng Indonesia at Rashid Khan ng India.


Umaasa naman ang pamunuan ng National Golf Association of the Philippines (NGAP) na sakaling magbukas na ang kompetisyon sa Asian Golf Tour ay muling aangat sa kanyang puwesto si Tabuena.


Ang panalangin lang namin ay magsimula na ang Asian tour para muling makalaro si Miguel and help him boost his rankings once again,” wika ni NGAP secretary-general Bones Flores sa panayam ng Bulgar Sports sa telepono. “Iyong iba kase tuloy-tuloy ang competition abroad, mostly sa United States at Japan, which Miguel is not qualified to compete,” dagdag nito.


Gayunpaman, hindi pa rin nawawalan ng tiwala ang sports official na muling makakabawi ang 2015 Philippine Open tour champion dahil mabibigyan pa ito ng pagkakataon na makahabol sa oras na magbukas ang Asian Tour, na inaasahang papalo sa Enero hanggang sa cut-off nito sa Hunyo sa susunod na taon.


Medyo mahaba-haba pa naman ang panahon at puwede pa ring tumaas ang ranked ulit ni Miguel. Mabilis naman kasi ang pagtaas at pagbaba ng rankings ng men’s division kasi masyadong marami ang competitors nito compare sa women’s division,” paliwanag ni Floro, na tumatayo ring chairman ng Membership at Accreditation Commission ng Philippine Olympic Committee (POC).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page