top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nasulit ang karerista kay Eazacky sa Race 17

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 27, 2022


Sulit ang panonood ng mga karerista matapos masilayan ang matinding bakbakan sa rektahan nang manalo si Eazacky sa Condition Race 17 noong Linggo ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Umarangkada si Eazacky paglabas ng aparato para hawakan ang unahan, pinahirapan siya ni Liquid Gold. Kinapitan naman agad ni Liquid Gold si Eazacky sa unahan subalit hindi natinag si Eazacky na sinakyan ni jockey John Alvin Guce kaya naman hanggang sa pagpasok ng huling kurbada ay nakaungos pa rin ang winning horse.


Patuloy ang mainit na bakbakan sa rektahan pero sa huling 75 metro ng karera ay umalagwa ng bahagya ang lamang ni Eazacky at nanalo ito ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Liquid Gold. "Bilib ako sa panalo ni Eazacky, kahit nilutsa hanggang sa rektahan ay hindi siya naubusan, halos dalawang kabayo pa ang lamang," saad ni Jonathan Marcelino, veteran karerista.


Inilista ni Eazacky ang 1:29 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng horse owner ang P10,000 added prize.


Terserong dumating sa finish line si Stayinthemoment habang pumang-apat si Gomper Girl sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, ang Metro Manila Turf Club Inc., (MMTCI) ang magpapakarera ngayong araw ng Martes, ilalarga ito sa Malvar, Tanauan City sa Batangas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page