top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nasira raw kasi ang kaseksihan, Luis… JESSY, NA-DEPRESS NANG MABUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | December 3, 2022



Naninibago raw si Jessy Mendiola sa pagbabago ng kanyang katawan ngayong preggy na siya sa panganay nila ni Luis Manzano.


Talagang bigla siyang lumobo at lumaki ang kanyang tummy kaya nakaranas si Jessy ng insecurity at depression. Nasanay na kasi siya na nakapagsusuot ng sexy bikini kaya nahihirapan siya ngayon na mag-adjust sa kanyang pagbubuntis.


Ganunpaman, tiyak na dobleng saya ang mararamdaman ni Jessy kapag nakita na niya si Baby Peanut. Masusulit na lahat ang kanyang hirap at sakripisyo sa pagbubuntis.


Wala namang dapat na ika-insecure si Jessy Mendiola kung malaki ang kanyang tummy at nadagdagan ang kanyang timbang. Hindi naman magbabago ang pagtingin sa kanya ni Luis. Lalo pa nga siyang mamahalin ng mister kapag mommy na siya.


'Yung ibang artista nga na nagbuntis tulad nina Jennylyn Mercado, Marian Rivera, Iya Villania, Angelica Panganiban, Coleen Garcia at Iza Calzado ay proud na proud pa na nag-pictorial noong kanilang kabuntisan at nakabuyangyang ang kanilang maternity photos sa social media.


Kaya walang dapat na ipag-alala si Jessy Mendiola kung lumobo at lumaki man ang kanyang tummy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page