Nasira ang image nang maghiwalay… VG MARC, BINALAAN NA MATUTULAD SA MGA EX NI KRIS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 29, 2023

Marami sa mga kakilala o kaibigan ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste ang nag-aalala ngayong sobra ang closeness niya kay Kris Aquino.
Concerned sila para kay VG Marc dahil baka raw matulad ito sa ibang mga nakarelasyon ni Kris na nasira ang imahe nang hiwalayan ng Queen of All Media.
Kaya, pinayuhan nila si VG Marc na 'wag itodo ang ibinibigay niyang atensiyon at pagmamahal kay Kris at baka raw dumating ang panahon na ilaglag din siya nito tulad ng ginawa kina Mel Sarmiento at Herbert Bautista.
Sabi pa ng mga netizens, nakakatakot mahalin si Kris.
Well, alam naman siguro ni VG Marc ang mga nakaraang relasyon ng Queen of All Media na nauwi lahat sa hiwalayan mula kina Phillip Salvador, Joey Marquez, James Yap, Herbert Bautista at Mel Sarmiento.
Hindi naman bagito sa larangan ng pag-ibig si Marc at alam niya ang risk na pinasok niya ngayong nauugnay siya sa isang kontrobersiyal na public figure tulad ni Kris.
Maganda ang intensiyon ni VG Marc na tulungan, damayan at bigyan ng moral support ngayon ang Queen of All Media.
At sana nga, magtagal ang kanilang relasyon kahit na para sa mga netizens ay nakakatakot mahalin ang isang Kris Aquino.





Comments