Nasilat ang marami sa WTA na P1-milyon
- BULGAR

- Feb 11, 2021
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 11, 2021
Bigo naman ang bayang karerista na masungkit ang WTA matapos mag-carry over sa MMTCI.
Nabigo sila sa Winner Take All (WTA) na halagang P1,104,130.64 nitong nakaraang Martes sa Metro Manila Turf Club Inc (MMTCI) sa Malvar Batangas.
Naging mahirap sa mga mananaya na pagtagumpayan ang WTA dahil sa umpisa palang ng karera ay dehado na.
Sa Race 1 nagwagi ang dehadong Barrio San Jose matapos tumawid sa finish line kasunod ang Batang Novaliches. Sa Race 2 nagwagi ang liyamadong Good Reason na sinundan ang Born in April at nagwagi naman sa Race 3 ang Baisakhi at pumangalawa ang MaCartney.
Sa Race 4 nanalo ang dehadong Magnum Force at pumangalawa ang Noh Sen Young Yana na nagkaloob ng forecast na P317.00. Sa Race 5 nagwagi ang My Dear Magnolia at pumangalawa ang Bato.
Pinagwagian ng Wood Ridge ang Race 6 makaraang magparemate at pumangalawa ang Keen Alisha. Naghatag sa Pick 5 ng P8,982.20 sa kombinasyong 2/5/3/11/6.
Sa Race 7 nagwagi ang dehadong Swing Swing Baby makaraang matuka sa huling bulusok ang
Laughing Tiger na siyang nagpadehado sa WTA na kung saan nakapuntos ng 6 point na nagbigay ng P2,587.20 carry over na P1,104,130.64.
Sa Race 8 nagwagi ng hugando ang pinapaborang kabayong Star is Born at pumangalawa ang Top Decision at nagwagi sa Race 9 ang kabayong si Miss Rosario na nagbigay sa Pick 6 ng P20,766 at naghatag ng P501.80 sa 2nd Pick 5.




Comments