Nasampulan ng lakas ng sampal… CARLA, TAKOT NANG MAKATRABAHO ULI SI MARICEL
- BULGAR

- Jul 10, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 10, 2024

May rason naman pala ang Widows’ War lead actress na si Carla Abellana kung bakit takot siyang muling makatrabaho si Maricel Soriano.
Nang mag-guest sa Sarap, ‘Di Ba?, naitanong ng host na si Carmina Villarroel kung sino ang artistang kinatatakutan niyang makatrabaho. Si Maricel Soriano ang agad binanggit ni Carla.
“Nakatrabaho ko na po s’ya and natatakot po akong makatrabaho s’ya ulit not because of a bad thing ha, but si Ms. Maricel Soriano.”
May paliwanag si Carla tungkol dito at may kinalaman 'yung malakas manampal si Maricel. May sarili pa raw version si Maricel sa mga eksenang sampalan.
“Hindi naman po sa takot sa kanya or ayaw ko s’yang maka-work, pero kasi, alam kong masakit ‘yung sampal n’ya, masakit po talaga s’yang manampal, which I love. In fact, nagpaturo pa po ako sa kanya kung paano manampal ng way n’ya.
“Hindi ko na ituturo ‘yung technique n’ya, sinabi n’ya sa ‘kin kung paano. I-keep ko na ‘yung secret pero may version talaga s’ya ng pagsampal n’ya. Du’n ako takot sa sampal n’ya sa eksena,” patuloy ni Carla.
Magandang malaman kung ginamit ba ni Carla kay Bea Alonzo ang teknik ni Maricel sa sampalan scene nila sa Widows’ War.
Pareho silang malaking babae at tiyak na parehong masakit manampal. Narinig nga ang lutong ng pagdapo ng mga kamao nila sa pisngi ng isa’t isa.
KABILANG sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga tumanggap ng Box Office Hero award sa 7th EDDYS dahil sa pelikula nilang Rewind. Masayang tinanggap ng mag-asawa ang kanilang award at sa Facebook (FB) account ni
Dingdong, nagpasalamat siya sa The Eddys ng grupong Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).
Nanawagan si Dingdong na patuloy na suportahan at tangkilikin ang pelikulang Pilipino. Nabanggit din na ang Rewind ay habambuhay nang nakaukit sa isip at puso nilang mag-asawa.
Samantala, nagpapasalamat si Dingdong na maraming napapasaya ang Family Feud, ang game show ng GMA-7 na kanyang hino-host.
Sabi nito, “Masaya kami na nakakapagpasaya kami lalung-lalo na ‘yung mga Kapuso natin, hindi lang sa ‘Pinas kundi all over the world. So, ganu’n na lang talaga ‘yung dedication ng buong production team, lahat ng bumubuo ng Family Feud na mas paramihin pa ang mga spicy elements of the show.”
Nabanggit nito ang Guess To Win promo questions na dati, isa o dalawa lang, ngayon ay pito na. Nakakadagdag daw ito para mas ma-excite ang mga viewers at mas tumutok pa sa programa.
May mga bago pang sorpresa ang FF, malalaking cash prizes gaya na lang nitong July na more than P2 million ang ipamimigay.
Paghahanda na rin siguro ito sa nalalapit na pagtatapat ng FF at Wil To Win ni Willie Revillame sa TV5.
NAPANSIN namin, wala nang masyadong violent reaction sa pagla-like ni Richard Gutierrez sa photo ni Barbie Imperial na nasa swimming pool and wearing a two-piece swimsuit. Hindi gaya nu’ng unang maging isyu ang dalawa, ang daming nagalit kay Richard at kay Barbie na rin.
Pero ngayon, nakakabasa na kami ng mga comments na bagay sina Barbie at Richard at may mga kinikilig na nga, just the thought na couple na sila.
May mga nagwi-wish na magka-teleserye sila sa ABS-CBN at sabayan na rin daw ng pelikula para bongga at parang launching nilang dalawa.
May mangilan-ngilan pa ring namba-bash kina Richard at Barbie, pero hindi naman masagot ng mga ito kapag tinanong kung si Barbie ba ang rason ng hiwalayan nina Richard at Sarah Lahbati.
Kung hindi si Barbie, walang dahilan para magalit sila rito, na totoo naman. Hiwalay na sina Richard at Sarah nang pumasok sa buhay ng aktor si Barbie.
Ilang beses na silang spotted, pero gusto pa rin ng mga netizens ang pag-amin mula kina Richard at Barbie na sila na at sigurado raw na madodoble ang kilig ng mga nagiging shippers na nila.
NAHULAAN agad na si Kylie Padilla ang bagong karakter na papasok sa Asawa Ng Asawa Ko. Hinihintay na nga ang paglabas niya sa series at kung ano ang magiging role ng aktres.
May humula na baka unang asawa siya ni Leon (Joem Bascon) na sa story, ikakasal na kay Cristy (Jasmine Curtis-Smith).
Tamang-tama ang pasok ni Kylie sa series dahil nasa 100th episode na sila nu’ng Monday at baka ngayong kasama na siya sa cast, mas magtagal pa ang airing nito.
May mga intrigera na nag-comment na parang true-to-life kay Kylie ang story ng Asawa ng Asawa Ko dahil sa nangyari sa kanila ni Aljur Abrenica.




Comments